Max Collins wants to be ready before talking baby plans with husband Pacho Magno

IMAGE Rose Garcia

Max Collins on putting off baby plans with husband Pancho Magno: "At this time, meron pa kaming mga gustong gawin at nagse-settle pa lang kami sa married life."


Sa December 11, 2018 ay isang taon nang kasal ang Kapuso artists na sina Max Collins at Pancho Magno. 

Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang halos isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

“It’s fun,” nakangiting pahayag ni Max.

“Iba lang talaga yung feeling na when you come home, hindi ka nag-iisa.

"And then, you look forward dun sa mga days na wala kang trabaho kasi nakakapag-spend time kami.

"Lalo na ngayon, busy siya sa Victor Magtanggol, hindi na nakakapag-date.

“Usually puro Netflix kami, which is fun also.”

Ang Netflix ay isang streaming service ng iba't ibang TV shows at movies.

Wala ba siyang pagsisisi na maaga siyang nagpakasal at pinasok ang buhay may asawa.

Sagot ng 26-year-old actress, “No, no, no, of course not.

“It’s a different experience but I wouldn’t exchange it for anything.

"It’s really nice to have someone that I can turn to."

Marami pa rin daw siyang nadiskubreng bago kay Pancho ngayong mag-asawa na sila.

Ayon kay Max, “Iba talaga when you live with someone.

"When you live with your partner, dun mo makikita yung mga habit and things like that.

“Siyempre yung adjustment period, it’s a bit difficult for us.

"Pero ngayon, sanay na kami sa isa’t isa.

“It’s fun. We have our own routine.

"Like, in the morning, we do our own thing but then, we always have coffee together.

"Like, siya magwu-workout siya. Ako naman magbabasa ng book."

Sa ngayon, wala pa raw silang planong magkaroon ng anak.

Pero sabi niya rin, “Maybe next year, we’ll talk about it.

“Mas gusto namin na nakaplano kasi mahirap when you’re not ready.

"And at this time, meron pa kaming mga gustong gawin at nagse-settle pa lang kami sa married life."

BUSY WITH MOVIES

Isa si Max sa mga pupunta ng South Korea para sa 2018 Busan International Film Festival ngayong October 4, kunsaan kabilang siya sa magiging representative ng pelikulang Citizen Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na raw ang aktres na makilahok sa nasabing international film festival.

Aniya, “I’m excited and I love Korea. Actually, pabalik-balik ako sa Korea.

"Then yung Citizen Jake, first screening niya abroad ang Busan International Film Festival."

Pagkatapos ng prime-time series na The One That Got Away, naging abala naman daw si Max sa paggawa ng pelikula.

Katatapos lang niyang gawin ang Rainbow Sunset na idinirek ni Joel Lamangan. Dito ay gumanap si Max bilang batang Gloria Romero.

Kuwento niya, “Isang malaking karangalan na gampanan ang young Gloria Romero.

"She’s so nice and nakatrabaho ko siya noong bata pa lang ako.

"Naaalala pa niya ako and nakapag-usap kami nung storycon."

Patuloy ng aktres, “Kinilig lang ako that I can play her.

"Kahit na hindi kami nagkakasama sa set, kasi nga I’m the young her, pero masaya talaga ako na I’m playing her role.

"And sobrang bait niyang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN