Bela Padilla reacts to alleged love triangle with Carlo Aquino, Angelica Panganiban

IMAGE Mark Atienza

Bela Padilla answers netizen claiming that she and Angelica Panganiban previously had a rift because of Carlo Aquino.


Inalmahan ni Bela Padilla ang alegasyong nagkaroon diumano ng love triangle sa pagitan nila nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Ito ay matapos bigyang-kulay ng ibang netizens ang Instagram post ni Bela na nagsasabing “C couldn’t make it to the after-party.”

Kalakip nito ang litrato ni Bela sa red carpet ng ABS-CBN Ball, na ginanap noong Sabado, September 30.

Isang netizen ang nagkomento rito na tila pinatatamaan daw ni Bela si Carlo, na dati umanong naugnay sa aktres.

Sabi ng netizen, “Hindi lang pinagtuunan ng pansin yung issue noon kasi nga para hindi masira yung gagawin na movie nila @iamangelicap at @carloholix_official ….

“alam din yan ni @chinitaprincess noh… hays…

“bigla nga Nawala yung grupo nilang tatlo e.

“Si bella, kim at ange… hay naku…”

Hindi pinalampas ni Bela ang akusasyon ng netizen.

Balik-tanong ni Bela, “@sashanacionlyfortin girl what are you talking about?”

Ilan pang netizens ang nanghula na tila “double meaning” ang post ni Bela at sadyang pinatutungkulan niya si Carlo.

Pero pinabulaanan ito ni Bela at sinabing ang tinutukoy niya ay ang letrang “C” sa wall decor na halos mahulog na sa pagkakakabit nito noong ABS-CBN Ball.

Paglilinaw ni Bela, “Yung C lang sa likod ko talaga."

Humirit pa ang naunang netizen na nagsabing “naudlot” ang ugnayan sa pagitan nina Bela at Carlo, na magkasama sa Siargao noong Holy Week break noong Abril.

Kasama rin sa bakasyong iyon si Maris Racal, na parehong kaibigan nina Bela at Carlo.   

Ngunit hindi na sinagot ni Bela ang alegasyon ng netizen.

Nagkatambal sina Bela at Carlo sa pelikulang Meet Me In St. Gallen na ipinalabas noong Pebrero.

Matalik namang kaibigan ni Bela si Angelica, na ex-girlfriend ni Carlo.

Taliwas sa alegasyon ng netizen, nananatiling magkaibigan sina Bela, Angelica, at Kim na magkakasamang naki-party sa ABS-CBN Ball.  


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN