Karen Davila, Bianca Gonzalez, Ethel Booba condemn lawmaker over monthly period excuse

IMAGE PEP File / @iamkarendavila on Instagram / @IamEthelGabison on Twitter / Courtesy: CNN Philippines

Karen Davila, Bianca Gonzalez, and Ethel Booba post on Twitter their sentiments after ACTS OFW Party-List Representative John Bertiz III said he is a mere human being who sometimes loses his temper. The lawmaker added, "For the past three years that I've been a member of Congress, once a year na dapuan tayo ng monthly period."


Hindi pa rin humuhupa ang galit ng maraming netizens kay ACTS OFW Party-List Representative John Bertiz III.

Ito ay kaugnay ng inasal ng mambabatas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Sabado, September 29, kung saan hindi siya sumunod sa security protocol sa paghuhubad ng sapatos bago dumaan sa airport scanner.

Sa viral video na lumabas nitong Linggo, September 30, makikita si Bertiz na nilapitan at sinita ang airport personnel na nanita sa kanya.

Inilapit pa ni Bertiz sa mukha ng airport personnel ang kanyang airport security identification card (ID).

Kinuha rin ng mambabatas ang ID ng airport personnel, kinuhaan ng litrato bago ito ibinalik.

Makikita rin sa viral video na nakasabay ni Bertiz sa airport entrance si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na sumunod sa protocol at nagtanggal ng kanyang sapatos pagdaan sa scanner.

Dahil dito, lalong nanggalaiti sa galit ang netizens kay Congressman Bertiz.

Sa kanyang panayam sa programang Unang Hirit ng GMA-7 kahapon, October 1, sinabi ni Bertiz noong una na kaya niya kinumpronta ang airport personnel dahil may nakita raw siyang Chinese passengers na tila may mga escort pang NAIA personnel, at hindi na dumaan sa scanner.

Ngunit sa CCTV footage na inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA), walang nakitang Chinese-looking men na nakasabay si Bertiz.

Dahil hindi nagustuhan ng mga tao ang nauna niyang paliwanag, sinabi naman ni Bertiz sa isang press conference na ang kanyang ipinakitang asal sa airport ay bunga ng kanyang "once a year monthly period."

Aniya, "For the past three years that I've been a member of Congress, once a year na dapuan tayo ng monthly period.

"Hindi ko na rin maiaalis na tao lang po na marupok, umiinit ang ulo, nai-stress din sa trabaho."

Ang pahayag na ito ni Bertiz ay lalo pang kinainisan ng karamihan, lalo na ng mga kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEMALE CELEBS REACT

Hindi nagustuhan ng maraming kababaihan ang tinurang rason ni Bertiz.

Kabilang sa mga ito ang Gabriela Women’s Party, na nagpahayag na hindi tamang sabihin na nagiging bayolente at entitled ang mga babae kapag mayroon silang buwanang dalaw.

Hindi rin nagpahuli ang ilang female celebrities sa paghayag ng kanilang pagkadismaya sa mga sinabi ni Bertiz.

Sabi ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez sa Twitter, “Bilang babae, pag ako may period, kahit sobrang sakit ng cramps, walang choice kundi tiisin at minsan uminom ng painkiller, kasi kailangan pa rin magtrabaho.

“Ikaw, anong kwento mo pag may monthly period?”

Saad naman ng Bandila host na si Karen Davila, "Sad apology. Ininsulto pa kaming mga kababaihan.

"Let’s not liken the ‘monthly period’ to feelings of entitlement by some people in power.”

Idinaan naman ng komedyanteng si Ethel Booba sa patawa ang kanyang saloobin.

Aniya, “Monthly period, dapat monthly, hindi once a year. Yearly period yang sayo.

“For the past 3 days ng mainit ang ulo ko wag ka ng dumagdag. Charot!”

BERTIZ APOLOGIZES ANEW

Muling humingi ng dispensa si Bertiz sa kanyang nagawa at sinabi.

Sabi ni Bertiz sa kanyang panayam sa The Source ng CNN Philippines, "Taos-puso po akong humihingi ng kapatawaran sa lahat po ng nakikinig, nanonood sa social media—bata, matanda, babae, and whoever po—patawarin niyo po ako.

"Hindi po talaga dapat inaasal ng isang government official, napakalaking aral po sa akin.

"Lalong lalo na kung hindi ka naman po komedyante ay huwag ka na lang po mag-joke ulit. Patawarin niyo po ako, mula sa aking puso at aking pamilya.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN