Coleen Garcia calmly answers basher who questioned her presence at ABS-CBN Ball

IMAGE Mark Atienza

Despite her unbelievable ordeal en route to the ABS-CBN Ball last weekend, Coleen Garcia kept her composure in answering a basher who made a rude comment against her.


Malumanay na sinagot ni Coleen Garcia ang isang basher matapos siyang laitin nito sa kabila ng pinagdaanang hirap makarating lamang sa ABS-CBN Ball.

Sa isang mahabang post sa Instagram, inilahad ni Coleen, 26, na muntik na siyang hindi nakadalo sa ABS-CBN Ball na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong Sabado, September 29.

Habang pabalik sa Pilipinas mula sa Paris, France, nakaranas ng food poisoning si Coleen, na noon ay bumibiyaheng mag-isa.

Mismong araw ng ABS-CBN Ball ang biyahe ng Kapamilya actress.

Ikinuwento ng aktres na mula Paris, nagkaroon siya ng layover sa Bangkok, Thailand, kung saan siya sasakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas.

Habang nasa Thailand, idinetalye ni Coleen na nakaramdam siya ng sintomas ng food poisoning; gaya ng pagkahilo, pananakit ng katawan, at pagsusuka.

Ito ay dahil daw sa pagkain sa eroplano papuntang Thailand.

Nag-collapse daw siya sa comfort room sa airport habang naghihintay ng kanyang flight.

Naiwan ng kanyang flight si Coleen, dahilan upang maiyak ito.

Nakapag-rebook siya ng flight, pero gabi na siya nakarating sa Pilipinas.

Sa kabutihang palad, umabot si Coleen sa Ball sa kabila ng mga kaganapan.


Stories We Are Tracking

Coleen reveals scary ordeal en route to ABS-CBN Ball
Coleen reveals scary ordeal en route to ABS-CBN Ball

A BASHER WILL ALWAYS BE A BASHER

Sa comments section ng kanyang post, may isang basher na inalipusta si Coleen.

Komento ng troll, hindi naman daw kawalan kung hindi makarating ang aktres sa Ball at sana ay nagpahinga na lang siya dahil wala namang makakapansin sa kanya.

Komento ng netizen: “Question: kailangan ba ang presensya mo sa ball? I think no one would notice if you were there or not. Sana nagpahinga ka na lang wala naman makaka.miss.”

Pero naging malumanay ang sagot ni Coleen: “Hindi po. I just really wanted to be there! I didn’t wanna miss it over food poisoning, and I wasn’t gonna let all the stress steal my joy that day.”

Maraming netizens ang nakisimpatya kay Coleen, kabilang na ang mga kapwa artista kagaya nina Lovi Poe, Kylie Verzosa, singer na si Mica Javier, at ang asawa niyang si Billy Crawford.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Coleen, nahirapan siyang mag-isa lang siya sa mga oras na iyon.

“The hard part talaga was being alone through all of that. Akala ko hihimatayin na ako in the middle of the airport.”

Nag-post din si Billy tungkol sa gabing iyon na sa kabila ng hirap na pinagdaanan ng kanyang asawa ay na-enjoy pa rin nila ang gabi.

“Had a blast last night at the #abscbnball2018 and thank You Lord for bringing my wife back to me safe and sound. She had the craziest day ever. Turned out to be a great night!” post ng singer-host.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN