Rayver Cruz posts photo hugging rumored girlfriend Janine Gutierrez

IMAGE Courtesy: @rayvercruz on Instagram

Rayver Cruz and Janine Gutierrez remain elusive about their relationship status. 


Idinaan ni Rayver Cruz sa pagpu-post ng hugging photo nila ng rumored girlfriend na si Janine Gutierrez ang pagbati niya sa Kapuso actress, na nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan kahapon, October 2.

Mensahe ni Rayver sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, October 3, "Pahabol lang po hehe happy happy birthday Gwensies."

Ang "Gwensies" ay tumutukoy sa karakter ni Janine sa Victor Magtanggol na si Gwen Regalado.

Sumagot naman si Janine sa mensaheng ito mula sa aktor na bagong lipat din sa GMA-7.

Sabi niya, "Thank you kidlat," kalakip ang isang heart at dalawang smile emojis.

Ang "Kidlat" ay ang karakter ni Rayver sa katatapos lang na ABS-CBN prime-time series na Bagani, na nagsilbi ring huling show niya bilang Kapamilya.

Kinilig naman sa post na ito ni Rayver ang ilang celebrities; katulad nina Lauren Young, Rodjun Cruz, Liz Uy, at Alex Gonzaga.

Noong isang taon pa napabalitang nililigawan ni Rayver si Janine ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN