Jasmine Curtis-Smith clarifies rumored pairing with Alden Richards in the past

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith on comments she received when news broke out that she will be paired with Alden Richards: "Ano ba? Para bang, 'Bagong lipat, bagong whatever, aangkinin mo na,' or… yung mga ganun na kukunin ko na daw si Alden… Saan ko siya kukunin? Hindi naman ako taga-langit! Hindi ko siya puwedeng kunin sa langit!"


Nilinaw ni Jasmine Curtis-Smith ang napabalita noong siya ang gaganap na leading lady ni Alden Richards sa umeere na ngayong Victor Magtanggol.

Noong mga panahong iyon, kahit walang kumpirmasyon na si Jasmine ang magiging leading lady ni Alden, nakatanggap ng pamba-bash sa ilang fans ang bagong Kapuso actress.

Pero si Jasmine ba talaga dapat ang leading lady ni Alden? Bakit hindi natuloy?

Paglilinaw ng 24-year-old actress, “Well, there was never anything presented to me by GMA directly.

“Kasi before pa I sign my contract, actually we had a meeting na with the bosses and they presented two different stories to me.

“None were fantaserye, none were of similar story sa Victor Magtanggol, so that’s…

“I kept asking pa Mama Betchay [Vidanes, her manager], ‘Mama Betch, ang daming nagta-tag sa akin, totoo ba? Kasi you need to tell me, kasi I need to prepare myself for this kung totoo nga. At kung maba-bash na ako today hanggang mag-airing, at least ready na ako, i-expect ko na.’

“But, walang nakarating sa akin.

“Every time I ask Mama Betchay, lagi naman niyang sinasabing, ‘No, Jas, no, wala, wala,’ so…”

Sa huli ay sina Janine Gutierrez at Andrea Torres ang napiling makatambal ni Alden.

Aware ba si Jasmine na bago sina Janine at Andrea ay pangalan niya ang napapabalitang female lead sa Victor Magtanggol?

“Actually, parang nabanggit na sa akin yun ni Mama B na, ‘O, baka i-consider ka nila,’ and then I just never heard anything from that.”

HANDLING BASHERS

Hindi totoong nag-backout siya dahil hindi niya kinaya ang mga pamba-bash, na ang paniniwala ng marami ay galing sa fans ng AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza?

“Ay, hindi! Dyusko! Pamba-bash ba ang pag-uusapan natin?

“Ilang love teams na ang pinagdaanan ko sa bashing! Kayang-kaya ko na iyan,” sabi ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang totoo raw ay hindi in-offer sa kanya ang Victor Magtanggol.

“No, no, it was never offered to me.”

Ano ang pinakagrabeng pamba-bash na naranasan ni Jasmine?

“Ano ba? Para bang, ‘Bagong lipat, bagong whatever, aangkinin mo na,’ or… yung mga ganun na kukunin ko na daw si Alden…

“Saan ko siya kukunin? Hindi naman ako taga-langit! Hindi ko siya puwedeng kunin sa langit!” tumatawang biro pa ni Jasmine.

Dagdag pa niya, “So… but that was… wala na siya sa akin, kasi nakuha ko na rin yun sa Imagine You & Me, di ba?

“Kaya okay na rin. Hindi ko na din lang siya pinansin, and nawala din siya after kong pumirma, and nag-storycon kami [para sa Pamilya Roces], yun.”

Nakatikim na rin siya ng pamba-bash nang siya ang gumanap na ka-love triangle nina Alden at Maine sa pelikulang Imagine You & Me noong 2016.

Dalawang taon ang kontrata ni Jasmine bilang bagong Kapuso.

Galing sa TV5 si Jasmine bago lumipat sa GMA-7.

PAMILYA ROCES

Ang unang project ni Jasmine sa GMA-7 ay ang prime-time series na Pamilya Roces.

Ano ang naramdaman ni Jasmine nang malaman niyang ganito katindi ang unang niyang show bilang Kapuso?

Saad niya, “I was overwhelmed siyempre, kasi it’s such a huge cast, that means a lot of people na kailangan mong makilala, kailangan mong pakisamahan sa work, so…

“Socially kasi, nao-overwhelm ako, may anxiety ako sa social gatherings kapag hindi siya work.

“So, nung hindi pa kami nagte-taping, parang may hiya pa akong makipag-usap, makipag-mingle.

“But at the end of it, now that we’re taping, we’re relaxed, everyone can throw jokes na walang parang second guessing kasi kumportable sila sa isa’t isa.

“So, mas naging madali rin sa akin yung transition na maging, kumbaga, maramdaman ko na Kapuso ako when I’m on the set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So happy, happy and very, very ano, excited to see kung anong kalalabasan nung story namin.

“Kasi trailers nakita ko na, and just from the script itself, nae-enjoy ko yung story niya.”

Aware siya na ang papalitan nilang show ay malakas, ang Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza.

Sabi ni Jasmine, “Yes, and I must say, I really, really admire Barbie’s acting skills, so I’m thankful na ipapaubaya yung time slot niya sa show namin, di ba?

“Yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN