Juancho Trivino answers basher over issue with Maine Mendoza, Alden Richards

IMAGE @mainedcm, @juanchotrivino, @aldenrichards02 on Instagram

Juancho Trivino replies to a netizen who bashed him for being romantically linked to Maine Mendoza and his past issue with fellow Kapuso actor Alden Richards.


Sunud-sunod ang birada ng isang basher kay Juancho Trivino na may kinalaman sa patuloy na pagkakaugnay ng Kapuso actor kay Maine Mendoza.

Lumalabas na galit na galit ang basher sa aktor dahil sa panggagamit umano nito kay Maine at sa pagdi-dirty finger diumano nito noon kay Alden Richards.

Nagsimula ito sa Instagram post ni Juancho noong nakaraang linggo, kung saan ibinahagi ng aktor ang larawan niyang may background na simbahan.

Caption niya rito, “Kasama ka sa mga panalangin ko.”

Sa comments section, isang netizen ang nagpakawala ng masasakit na salita laban kay Juancho.

Bahagi pa ng komento ng basher, “@juanchotrivino you go to hell!”

Palabang sagot naman dito ni Juancho ay “takits!” na shortcut para sa “Kita-kits.”

Muling sumagot ang basher at sinabihan si Juancho na mauna na raw ang aktor.

Nagkuwento pa ang basher na may nakapagsabi raw sa kanyang binu-bully umano ni Juancho si Alden noong magkaklase pa sila.

Hindi rin pinalampas ng basher ang komento ng ina ni Juancho na si Patty Trivino.

Kinuwestiyon ng basher ang pagpapalaki nito kay Juancho at tinawag pang “big disappointment” ang aktor.

Kalmadong sagot dito ni Juancho, “your parents must be so proud of you though.”

Hindi pa rin tumigil ang basher. Binalikan nito ang nangyaring isyu noon na pagdi-dirty finger diumano ni Juancho sa larawan ni Alden.

Pinuna rin ng basher ang pagdikit daw ni Juancho kay Maine para sumikat.

Sinabihan pa nitong naiinggit daw si Juancho sa kasikatan ni Alden.

DIRTY FINGER ISSUE

Kumalat ang video ng pagmi-middle finger ni Juancho noong March 2018.

Sa naturang video, mapapanood na sa simula ay nakatutok ang camera sa poster ni Alden.

Maririnig ang isang babae na tinatawag si Juancho at binanggit na naroon daw si Alden, na ang tinutukoy ay ang poster ng Pambansang Bae.

Itinaas ni Juancho ang kanyang dalawang kamay na naka-middle finger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinagalit ito ng fans ni Alden.

Naglabas ng statement si Juancho, humingi ng sorry, at itinangging ang pagdi-dirty finger niya ay para kay Alden.


Stories We Are Tracking

Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
Juancho on issue with Alden:
Juancho on issue with Alden: "Everything is settled."

ALLEGEDLY USING MAINE MENDOZA

Samantala, may ilang netizens din ang nagkomento sa recent issue kung saan tinutukso ni Archie Alemania si Juancho kay Maine na magkarelasyon na raw.

Nagalit ang ilang netizens dahil sa diumano’y panggagamit ni Juancho kay Maine.

Gumamit pa ng masasakit na salita ang netizens dahil sa diumano'y pandadamay ni Juancho kay Maine kasama ang mga kaibigan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa videos ni Archie:

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph sa kampo ni Juancho upang kunan ng pahayag hinggil sa isyu.

Agad ilalathala ng PEP.ph sa oras na magbigay ng panig ang aktor.


Stories We Are Tracking

Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN