Rocco Nacino admits he's smarter, more mature in handling relationship

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino admits he was blind for love before: "Oo, maraming beses. I mean, not in terms of relationship, dun sa mga ginagawa. Mas smarter na ako ngayon, mas maganda na ang mga desisyon na ginagawa ko."


Inamin ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na “mas smart, mas mature” na siya ngayon pagdating sa pakikipagrelasyon.

Dagdag pa niya, “Mas alam ko na mga ginagawa ko. Hindi na ako bulag-bulagan.

“Alam mo yung time sa buhay natin na bulag tayo dahil in love tayo?”

Bulag-bulagan siya dati?

“Oo, maraming beses,” pag-amin ni Rocco.

“I mean, not in terms of relationship, dun sa mga ginagawa.

“Mas smarter na ako ngayon, mas maganda na ang mga desisyon na ginagawa ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa taping ng upcoming prime-time series ng GMA-7 na Pamilya Roces, sa Pampanga, kamakailan.

ROCCO'S GIRLFRIEND

Last September ay nagdiwang si Rocco at ang kanyang present girlfriend na si Melissa Gohing ng kanilang first anniversary as a couple.

Pero hindi pa raw nila ito nase-celebrate dahil nasa Thailand noon si Melissa at last week naman ay nagkasakit ang national volleyball player.

Ayon kay Rocco, “Hindi pa kami nakakapag-celebrate.

"Pero sabi ko kanya, 'Ituloy mo ang sa Philippine team,' kasi importante sa kanya yun, malaking bagay sa kanya yun. 

“Sabi ko, the celebration can wait, and okay naman, very understanding.”

Malaking factor daw sa kanilang relasyon ang parehong hilig nila sa sports. 

Sabi ni Rocco, “Malaking factor yun, pero at the same time, yung wavelength namin, kung paano kami mag-isip in life.

“Maganda yung pag-click namin.

“And aside from that, marami rin kaming differences na open kami sa isa’t isa.

“May mga bagay na hindi niya gusto at ako, hindi ko rin gusto, pero open kami.

“I think, isa yun sa malaking pagbabago sa pananaw ko sa relationship, ang pagiging open.”

LOVE TEAM WITH SANYA

Sa Pamilya Roces ay si Carla Abellana ang gumaganap na misis ni Rocco.

Hudyat ba itong nagwakas na talaga ang tambalan nila ni Sanya Lopez, na nagsimula sa telefantasyang Encantadia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rocco, “Well, I think, nasulit na rin namin for a year and seven months.

“I think, after ng Haplos, time na rin mag-move on. Wala na rin yatang project na susunod after that.

“I think, yun yata ang next move after ng Haplos, wala na rin yatang pupuntahan.”

Nagkaroon ng impression na naging sila. Pero, hindi pala?

“No, hindi naging kami,” paglilinaw ng StarStruck alumnus.

“Love team… gusto ng mga tao na maging kami, pero iba ang priority niya, iba rin ang priority ko noon.

“Nung time na yun, sinisimulan ko na ang bahay ko.

“Wala na rin sa isip ko noong kalakasan ng love team namin na magkaroon ng girlfriend.

“She was more of the love team.”

May nabuo na ring following ang tambalan nina Rocco at Sanya kaya marami ang nanghinayang na nabuwag ito.

May iba pang nagalit at sinisi si Rocco, lalo na’t nakasabay nito ang paglabas ng balita tungkol sa relasyon nila ni Melissa.

Pahayag ni Rocco tungkol dito, “Hindi naman maiiwasan yun.

“Feeling ko, iilan lang naman silang ganyan, hindi naman lahat. 

“A lot of people are happy. I mean, there are more happy people than angry people.”

Okey naman daw sila ni Sanya at nagkakasama rin sila sa workshops.

Bakit hindi nauwi sa mas malalim na relasyon ang samahan nila?

Tugon ni Rocco, “Masasabi ko sigurong iba rin ang likes and dislikes namin.

“Iba ang wavelength, personality.

“Pero sa work, we’re perfect. Okay kami sa TV.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN