Ryle Santiago receives heartfelt birthday message from stepdad Chris Tan

IMAGE Instagram

Chris Tan to stepson Ryle Santiago: "Life is not easy & I can't promise to have all the answers to your questions. But I can guarantee that you will always have someone to hold on to when you need support."


Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng dating basketbolista na si Chris Tan para sa kanyang stepson na si Ryle Santiago, na nagdiwang ng 20th birthday noong Lunes, October 1.

Sa Instagram, nag-post si Chris ng larawan ng dalawang lalaki na nakatalikod habang naglalakad.

Makikitang nakaangkla ang mas maliit na lalaki sa likod ng mas malaki at tila nakatatandang lalaki, habang nakaakbay naman ang huli sa balikat ng una.

Bagamat hindi kita ang mukha nina Chris at Ryle, malalamang larawan ito ng dalawa na kuha sa isang trip abroad nila.

Ipinapakita sa larawan ang pagiging malapit ni Ryle at ng kanyang stepdad.

Si Ryle ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa It’s Showtime business unit head na si Jun-jun Santiago.

Pero lumaki ang Hashtags member sa poder ng kanyang ina at stepfather.

Dalawa ang naging anak ni Sherilyn kay Chris—sina Lorenz at Anya Sabrina.

Sa caption ay naging madamdamin ang mensahe ni Chris para kay Ryle.

Nangako itong hindi niya pababayaan si Ryle at magiging mas matatag pa ang pagsasama nila ng ina nito sa lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay.

“Life is not easy & I can’t promise to have all the answers to your questions. But I can guarantee that you will always have someone to hold on to when you need support. 

“For as long as me & your mom are around, you will always have us partners in going thru life’s challenges.”

Pinuri ni Chris ang iba pang katangian ng Kapamilya young actor para sa kanilang pamilya at sa karera nito sa showbiz.

Inengganyo rin ni Chris si Ryle na gawin lang ang makakaya nito hanggang sa maabot ang kanyang mga pangarap.

Isa pang nagpaantig ng damdamin ng mga nakabasa ng message ay nang tawagin ni Chris na “My Panganay” si Ryle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Chris, “I love you My Panganay! Thank you for always being the best for us your family. 

“You’re doing fantastic in pursuing your dreams…Konting push pa & you will get to where you want to go.

“God bless you always & I can’t believe that I have a 20 year old kid already. 

“Happiest birthday son.”

Tumugon naman nang kanyang pasasalamat at mensahe ng pagmamahal sa kanyang stepdad si Ryle sa comment nito sa post.

Aniya,, “I love you so much dad.

“I know sometimes I don’t get to share my feelings with you but I am so thankful to have you there for me all the time. I love you so much dady.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN