Ruru Madrid in the dark about "smooth sailing" comment of Archie Alemania on Juancho Trivino, Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid distances himself from Juancho Trivino-Maine Mendoza issue that arose from viral video taken by Archie Alemania.


Iwas si Ruru Madrid na pag-usapan ang naging kontrobersiyal na videos ni Archie Alemania, kung saan tinutukso nito si Juancho Trivino tungkol sa “smooth sailing” na relasyon umano nila ni Maine Mendoza.

Magkakasama sina Ruru, Archie, at Juancho sa GMA prime-time teleserye na Inday Will Always Love You.

Ikinagalit ng fans ni Maine ang pahayag ni Archie na magkarelasyon na umano sina Juancho at Maine.

Hindi rin nagustuhan ng fans na ginagawa umanong katatawanan si Maine ng mga kaibigan ni Juancho.


Stories We Are Tracking

Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine

Ikinuwento ni Ruru sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na magkakasama nga silang tatlo sa Cebu.

Naroon din ang co-stars nilang sina Buboy Villar at Derrick Monasterio.

“Actually, we were just eating that time. We were in Cebu, 'tapos nagulat na lang ako, itong si Kuya Archie naglabas ng cellphone.

“Hindi ko naman talaga naririnig ang pinag-uusapan nila, hindi ko talaga naririnig... ang katabi ko nun, sa kabila kong side, si Buboy. Kami talaga ang magkausap.

“And then, nagtataka ako, pagbasa ko ng Twitter, may mga nagtu-tweet na sa akin about that issue.

“Pero sabi ko, it’s better na huwag na rin lang akong magsalita kasi parang hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang totoong nangyari.

"Hindi ko rin naman kasi narinig kung ano yung mga pinag-uusapan nila."

Nakausap ng PEP.ph si Ruru sa press conference ng Barangay 143, ang upcoming Filipino-made anime series na ipalalabas sa GMA-7.

Ginanap ito sa Lazat Restaurant, Quezon City, nitong Miyerkules, October 3.

IN THE DARK

Pagpapatuloy pa ng Kapuso actor, hindi niya napanood ang videos na ipinost ni Archie sa kanyang Instagram Story.

Saad ni Ruru, “Hindi ko rin pinanood ang video, pero natatawa lang ako sa mga nagtu-tweet sa akin na tawa lang daw ako nang tawa.

"Sobrang palatawa naman talaga ako.

“Nung time na yun, ang kausap ko lang, sina Buboy nga, nasa harap ko, kasi kumakain kami nung time na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ng aktor, mas makabubuti raw na hindi na siya magsalita sa isyu lalo na’t wala siyang direktang kinalaman.

“Ako naman kasi, ever since, pagka hindi naman ako yung nasa posisyon para magsalita sa mga bagay na ‘yan, hindi talaga ako magsasalita.

“It’s better na yung gumawa o yung taong involved dun sa bagay na yun, hayaan na natin silang magsalita, kasi wala rin point kung ako yung magsalita.”

VENTURING ON VOICE DUBBING

Excited naman si Ruru na maging voice talent sa Filipino anime na Barangay 143, na kinabibilangan din nina Julie Anne San Jose, Migo Adecer, at Kelley Day.

“Grabe yung pressure kasi nga eto yung first time na first animated series na ginawa talaga sa Pilipinas.

“Nahihirapan din ako every time na nagda-dub ako.

“At first, akala ko madali lang siya, pero hindi pala.

“Pag actor ka, hindi mo na kailangan pa ng kahit anong salita para iparamdam sa tao kung ano yung nararamdaman mo kasi titigan mo lang, sa mata pa lang, nararamdaman ka na ng tao.

“Pero this time, hindi ka na nila makikita. Boses mo lang, so kailangan mapa-feel mo sa kanila by using your voice, only your voice.”

Voice talents din sa anime series ang malalaking artista kagaya nina John Arcilla, Edu Manzano, Lorna Tolentino, at Cherie Gil.

Magsisimula na ang anime series sa October 21, 10 a.m., sa GMA Network.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN