New Kapuso Manolo Pedrosa explains why he deleted his ABS-CBN photos on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Manolo Pedrosa looking forward to work with Kapuso actress Kate Valdez: "Hindi naman crush, malaki ang potential to work with, maybe love team."


Nagulat si Manolo Pedrosa na naging isyu pala ang pagbura niya ng kanyang lumang pictures sa Instagram, kasama na ang mga larawang kuha noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN.

Pinuna kasi ng netizens ang hakbang na ito ni Manolo matapos niyang lumipat sa GMA-7.

Nagkataon lang ba ito? Mayroon ba siyang hinanakit sa dating home network kung saan siya nagsimula bilang housemate sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014?

Ito ang pinasagot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Manolo nang eksklusibo namin siyang makausap sa grand media conference ng bagong prime-time series ng GMA-7, ang Pamilya Roces, sa Prime Hotel, Quezon City, Miyerkules ng gabi, October 3.

Pahayag ng 20-year-old actor, "Ako, like, personally, hindi ko nakikita yun. Nagulat nga ako na naging isyu siya.

"Marami naman talagang tao, hindi lang artista, mga taong mahilig maglinis ng [Instagram] feed.

"If ma-notice niyo po yung pinakababang picture, gusto ko kasi magiging artistic sana yung feed ko.

"Yun nga, I did this before even considering going back to showbiz."

Pumirma si Manolo ng exclusive contract sa GMA Artist Center noong July 27, 2018.

Itinanggi niyang may sama siya ng loob sa ABS-CBN kaya siya lumipat at binura ang old pictures niya noong Kapamilya pa siya.

Sabi ni Manolo, "Not naman na naging pangit yung experience ko sa ABS-CBN.

"They took care of me and, yun, I just wanted a clean feed, gusto ko maging artistic.

"So, yun, bigla ko naisip na babalik sa showbiz, so kailangan ko mag-post ng mga pictures ko [dito sa GMA]."

HAPPY KAPUSO

Ang Pamilya Roces ay ang bagong prime-time series ng GMA-7 na mapapanood na simula sa Lunes, October 8, sa timeslot na babakantehin ng Inday Will Always Love You.

Kasama ni Manolo sa star-studded cast sina Carla Abellana, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Snooky Serna, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Christian Bautista, Sophie Albert, Shaira Diaz, Andre Paras, Ana Roces, Mika dela Cruz, at Jasmine Curtis-Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Pamilya Roces grand mediacon.
 IMAGE Noel Orsal

Sobrang thankful si Manolo sa GMA-7 dahil sa maayos daw na pag-aalaga sa kanya.

Looking forward daw siyang makasama pa ang ibang Kapuso stars, partikular na ang Onanay star na si Kate Valdez.

Aniya, "I think it would be Kate Valdez. Parang nakita ko na malaki yung potential [na mag-click]."

Crush ba niya si Kate?

"Hindi naman crush, malaki ang potential to work with, maybe love team."

Ayon kay Manolo, malapit sa kanyang puso ang role niya sa Pamilya Roces bilang si Gil Figueroa.

"Here, may pagkalapit rin yung karakter sa akin kasi may pagka-artistic side siya, photographer po siya dito.

"Hindi siya related sa family [Roces] pero magiging involve siya sa family business, and best friend ko po dito si Jasmine Curtis-Smith [na gaganap sa role ni Pearl Renacia].”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN