Shaira Diaz recalls unexpected job loss in TV5: "Inisip ko, anong papakain ko sa pamilya ko?"

IMAGE Noel Orsal

Shaira Diaz on lesson learned after overcoming her financial struggles: "Tuwing mawawalan ako ng pag-asa, magdadasal lang ako, may magandang mangyayari talaga. As in parang in favor sa akin si Lord, ganun."


Inamin ni Shaira Diaz na isa sa lowest point ng buhay niya ay nang mawalan siya ng regular na trabaho sa TV5.

Ito ay matapos magdesisyon ang TV5 noong October 2017 na itigil ang pag-produce ng sariling teleserye at mag-focus na lang sa Sports5 programming.

Pahayag ni Shaira, “Actually, sobrang nag-worry ako. Kasi hindi ko alam kung paanong mangyayari. 

“Lagi akong nagdadasal kay Lord. Kasi inisip ko rin, ‘Anong papakain ko sa family ko?’

“Kasi breadwinner ako." 

Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang pinagdaanang problema ng pamilya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong 2017. 

“Yung father ko kasi, hindi na kami okey ngayon.

“So, parang ako na lahat sa bills. Ang pinaka-support na lang niya yung tuition ng kapatid kong bunso.

“Pero the rest, lahat, ako na yun.”

Sa kanilang tatlong magkakapatid, ang 23-year-old na si Shaira pa lang ang may trabaho, dahil nagti-training pa para makasakay ng barko ang nakatatanda niyang kapatid na 24 years old.

Ang bunso niyang kapatid ay 15 years old.

Housewife ang ina ni Shaira kaya sa aktres talaga nakasalalay ang pantustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan. 

Noong panahong iyon ay panay raw ang dasal ni Shaira kung paano makakakuha ng dagdag na trabaho. 

ON TRANSFER FROM TV5 TO GMA-7

Ang huli niyang full-length teleserye sa TV5 ay Baker King, na umere mula May hanggang September 2015.

“Yung last ko dun, Baker King

“Pero nilagyan naman nila kami ng Wattpad Presents, ng Sine Squad—yung sa movies kami yung DJ, ganun. So yun.”

Anong nangyari sa kontrata niya sa TV5?

Sagot ni Shaira, “Nag-offer naman sila ng guaranteed contract.

“Kasi sabi namin, parang yun nga, walang project. Kung magpapa-release kami, magbabayad pa kami.

“Parang sobrang generous nga ng TV5. Tumulong din sila sa amin. Naiintindihan nila.

“Especially the Talent Center, ‘Naiintindihan namin yung needs niyo.’

“Yun ang ginawa nila, pinahiram nila ako sa APT.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Shaira ay ang pagpasok niya noong January 2018 sa Trops, ang GMA-7 daytime series na iprinodyus ng APT Entertainment.

Ito ay kahit na July 2018 pa talaga pormal na nagtapos ang kanyang kontrata sa TV5.

Patuloy ni Shaira, “Kaya nga nung nagka-Trops ako, believe me or not, umiyak ako. Kasi sabi ko, ‘Oh my gosh, this is it!’

“Kasi alam ko nung pumasok ako, parang dapat four taping days lang ako dun, kasi mag-e-end na rin yung series.

“Then na-extend nang na-extend. Super happy ako. Umiyak talaga ako out of joy.”

FIVE-YEAR CONTRACT WITH GMA

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira noong September 27, nang bumisita siya sa PEP.ph office para i-promote ang bago nilang serye sa GMA-7 na Pamilya Roces.

Ayon pa kay Shaira, five years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7. 

“Nag-sign ako sa kanila nung July, kasi tinapos ko muna yung contract ko sa TV5 na nag-end din nung July.

“After nun, nag-Contessa ako. Late na ako pumasok dun, pero na-semi-regular ako dun. 'Tapos ito na yung next.”

Sa kabila raw ng mga pinagdaanang pagsubok mula noong nakaraang taon, malaking bagay raw kay Shaira na mas natuto siya sa buhay. 

"Tuwing mawawalan ako ng pag-asa, magdadasal lang ako, may magandang mangyayari talaga.

“As in parang in favor sa akin si Lord, ganun.”


Stories We Are Tracking

Former TV5 star Shaira feels fortunate to join Kapuso show
Former TV5 star Shaira feels fortunate to join Kapuso show


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN