Denise Laurel refrains from talking about relationship with PBA cager Sol Mercado

IMAGE Mark Atienza

Denise Laurel on decision to keep details of relationship with PBA player Sol Mercado private: "We are just normal people, we just live our lives."


Bagamat hindi itinatago ni Denise Laurel na nagkabalikan na sila ng Barangay Ginebra player na si Sol Mercado, iwas naman ang aktres na pag-usapan kung kailan nila balak magpakasal ng fiancé.

Saad niya, "I'm not talking about anything like that muna. We're back together, that's a joy of life.

"Kasal? Personally, between the two of us, we haven't talked about that."

Taong 2012 nang maging magkasintahan ang dalawa at na-engage nang sumunod na taon.

Pero October 2016 nang mauwi sa paghihiwalay ang relasyong Denise at Sol.

Umani ng katakut-takot na pamba-bash noon ang Kapamilya actress dahil in-announce nito ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Sol isang araw pagkatapos mag-champion ang Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association, na unang nangyari sa loob ng walong taon.

Ito rin ang kauna-unahang kampeonato ni Sol sa kanyang professional basketball career.

Mayo noong 2017 naman nang magsimulang mag-post si Denise ng sweet messages para kay Sol na nagpapahiwatig na mukhang naayos nila ang kanilang relasyon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang Kapamilya actress sa ABS-CBN Ball 2018 na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel noong Sabdo, September 29.

Tinanong namin si Denise kung mutual decision ba nila ni Sol ang huwag masyadong isapubliko ang kanilang relasyon ngayon.

Sagot niya, "I don't think we talk about it.

"We don't think of stuff like that, kasi we are just normal people, we just live our lives.

"I post about him, I post about my son all the time, I post him all the time.

"I don't think we had usapan naman na ganun.

"We're just normal people, it just happened na ito lang ang trabaho ko."

Anu-ano ang mga natutunan niya sa pinagdaanan nila noon ng Barangay Ginebra player na ina-apply niya ngayon?

Ayon kay Denise, "I think right now, like every day, I list down all the things kung ano ang pinapasalamatan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not just with my relationships, not just with my friendships, but all the things that God has given me.

"There's no reason to be sad kasi I get to be with my son, I get to do something that I love, I get to help people, I get to make people happy.

"What more can I ask for?"

23 YEARS IN SHOWBIZ

Huling napanood si Denise sa daytime series na Playhouse, kung saan nagkaroon siya ng special participation.

Balitang may mga nakalinya siyang bagong projects. Gaano ka-supportive ang boyfriend sa kanyang career ngayon?

Ani Denise, "Ay, di ko pa siya natatanong. I hope that he is proud of me.

"I mean, I've been working hard for 23 years."

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Denise noong September 30, na siya rin niyang ika-23 taon sa showbiz.

Isa si Denise sa Kapamilya artists na hindi rin nawawalan ng proyekto sa ABS CBN.

Hindi naman daw siya nagpapa-pressure kung minsan ay naaantala man ang projects na gagawin niya.

Paliwanag niya, "I've never been the type naman to be pressured.

"Even nung bata ako, tinatanong nila, 'Bakit yung mga kasabayan mo mas nauna na sa iyo?'

"I always think that God has His own timing for everything.

"Everybody has their own timing, everybody has their own place.

"I'm steady lang. The only thing I do constantly sa buhay ko is hard work."

Patuloy niya, "Wala akong pinapansin na intriga, wala akong pinapansin na sabi-sabi.

"Basta ang ginagawa ko, nakikinig ako sa direktor ko, nagtatrabaho ako.

"I make sure that my job that I did now is better than my last one, and so on and so on.

"Every trabaho na makuha ko ginagalingan ko talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN