Rocco Nacino denies he and girlfriend Melissa Gohing are engaged

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Rocco Nacino and Melissa Gohing have been in a relationship for a year, but the actor says getting married is not yet his main priority for now. "Depende rin sa takbo ng career ko, e, pero ang main focus ko ngayon is the house. So, kailangan humataw ako sa trabaho, basta matapos ko yung bahay ko, dun ko pag-iisipan, time na ba?"


Hindi totoong ikakasal na si Rocco Nacino at girlfriend nitong si Melissa Gohing.

Bagamat isang taon na silang magkasintahan ng national volleyball player na si Melissa, wala pa raw silang planong magpakasal.

Ang inuuna ni Rocco ay ang ipinapatayo niyang bahay sa may Antipolo.

Ayon sa 31-year-old Kapuso actor, “May plano ako ano, sa bahay. 

"Yun yung tinatapos ko, tinatapos ko yung bahay. 

"Hindi ko pa muna iniisip yun kasi yung bahay muna inaasikaso ko."

Nasa 70 percent finished na raw ang bahay niyang may anim na kuwarto.

Ito na ang bahay ni Rocco kapag nag-asawa na siya, pero wala pa sa immediate plans niya ang pag-aasawa. 

"Depende rin sa takbo ng career ko, e, pero ang main focus ko ngayon is the house.

"So, kailangan humataw ako sa trabaho, basta matapos ko yung bahay ko, dun ko pag-iisipan, time na ba?

"Parang puwede na o hindi. So I’ll give it a few years pa.

"For me, hindi naman ako... I mean, nasa peak pa ako, e, puwede ko pang sulit-sulitin.

"I mean, at any age, kahit ikasal ako, sa tingin ko kaya ko pa rin hahatawin yung career ko."

HARDWORKING ACTOR

After Haplos na nagtapos three months ago, ang Pamilya Roces ang bagong teleserye ni Rocco.

Unang teleserye ito ni Rocco kay Direk Joel Lamangan, na nakatraho niya sa mga pelikulang Hustisya at Burgos.

Alam ni Rocco na mas mahihirapan siya sa Pamilya Roces dahil mahirap ang transition from drama to comedy.

“Oo, sino ba nakausap ko nun? Si John Prats ang nakausap ko nun, e.

"Yung sabi niya na yung shift ng comedy to drama, mas madali, kesa sa drama to comedy."

Aminado siyang hirap siya sa bagong show dahil ngayon lang siya magkakaroon ng comedy series.

“Oo. Ito siguro pinaka ano, nahirapan ako…

"Nagawa ko once para sa My Lady Boss na movie, kay Marian [Rivera], pero hindi siya serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, serye as in every other day [ang taping]."

First time na leading lady ni Rocco si Carla Abellana rito sa Pamilya Roces.

Aniya, “First time, oo.

"Nakakatawa nga, e, kasi last kami nagkasama, parang sabay-sabay lang kami sa eroplano going to L.A. for Pinoy TV.

"Then, next thing we knew, magkakatrabaho na kami."

Nadiskubre namin na si Rocco ang klase ng artista na kahit hindi siya kasama sa taping ay pumupunta siya sa set.

“So, nung first day ng taping, wala akong eksena nun, pero pumunta pa rin ako sa taping para lang ma-observe kung paano siya magtrabaho."

Ganoon siya ka-dedicated?

“Ever since naman, ganun. Let’s say hindi ko pa nakakatrabaho, minsan may ganun ako, para maramdaman ko kung paano siya magtrabaho.

"'Tapos yung script ko, puro notes, para ano, makuha ko yung character.

"Kasi mahirap pala, nahihirapan ako sa transition ng drama to comedy."

Samantala, kahit nanatiling Kapuso si Rocco habang naging Kapamilya na sina Enzo Pineda at Aljur Abrenica ay tuloy pa rin daw ang friendship nila.

Ani Rocco, “Oo naman. Si Aljur, matagal ko nang hindi nakausap si Aljur.

“Si Enzo, madalas ko pang nakakausap.

"Very ano na nga siya, e, very open na siya about acting, ngayon pumasok na sa scriptwriting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN