Melissa Gohing finally opens up about relationship with Rocco Nacino

IMAGE Noel Orsal

Melissa Gohing on boyfriend Rocco Nacino: "Honestly, hindi yung... hindi ko siya nagustuhan dahil artista siya, nagustuhan ko siya on how he is with his family, sobrang loving son. Well, he's one of the guys that I know na sobrang mahal na mahal yung pamilya."


Kahapon, October 4, ipinagdiwang ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, 31, at ng national volleyball player na si Melissa Gohing, 26, ang kanilang "very late" celebration para sa unang anibersaryo nila bilang magkasintahan.

Last September 18 pa ang kanilang first anniversary ngunit dahil parehong abala sa trabaho ang dalawa ay hindi
nila ito nai-celebrate.

Wala naman daw inaasahan si Melissa na paandar mula sa nobyo sa kanilang date.

Pahayag ng dating De La Salle University lady spiker, "Nothing, when it comes to things like this.

"So, kung ano lang, marami siyang pasabog so nagulat ako."

Kahit isang taon na ang kanilang relasyon, nitong nakaraang mga buwan lamang nalaman ng publiko ang kanilang relasyon.

Ano ang nagustuhan ng volleyball player sa Kapuso actor?

Saad ni Melissa, "Honestly, hindi yung... hindi ko siya nagustuhan dahil artista siya.

"Nagustuhan ko siya on how he is with his family, sobrang loving son.

"Well, he's one of the guys that I know na sobrang mahal na mahal yung pamilya.

"Mahal na mahal yung mom. Sobrang sweet talaga sa parents.

"As in hindi nakikita yun ng mga tao, pero iba siya pagdating sa sa pamilya niya at kung paano magtrato sa mom."

Ito raw ang bilin ng ina ni Melissa sakaling may mga manliligaw sa kanya.

"Kasi yun, my mom said, 'If you gonna find a guy, tingan mo kung paano siya sa pamilya niya, and kung paano siya magrespeto and paano niya mahalin yung pamilya niya.'"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa sa launching nito bilang bahagi ng Mega Barkada ng Mega Tuna, kasama ang ilan pang social media influencers.

Ginanap ang launching sa Prime Hotel, sa Quezon City, Huwebes ng hapon, October 4.

 IMAGE Noel Orsal

PAST IS PAST

Hindi naman daw lingid sa kaalaman ni Melissa na may mga dati nang karelasyon si Rocco, kabilang na rito ang aktres na si Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, of course, but you know what, everybody's telling me these things.

"Pero for me naman, it's past and you cannot erase past.

"And so I'm fine with it, I had a past too. He cannot erase it, too.

"What matters is those pasts is a learning lesson for us to be prepared for our future relationship.

"Yun ang sabi ko sa kanya."

Sa tingin ba niya, si Rocco na ang kanyang 'the one'?

Nakangiting tugon ni Melissa, "Palagi ko sinasabi sa mga tao when it comes to those questions, in God's perfect time."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN