Sophie Albert reveals why her stint as Star Magic artist was cut short

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Sophie Albert reveals that before she joined TV5's Artista Academy in 2012, she was already launched in Star Magic Batch 15, the same batch as Jessy Mendiola, Bela Padilla, and Martin del Rosario.


Mag-iisang taon na mula nang pumirma ng kontrata sa GMA-7 ang dating TV5 artist na si Sophie Albert.

Sa wakas ay nabigyan na siya ng regular show, ang upcoming Kapuso prime-time teleserye na Pamilya Roces na magsisimulang umere sa Lunes, October 8.

Sa loob ng isang taon, hindi naman nabakante si Sophie dahil nagkaroon siya ng guest appearances sa mga programa ng GMA-7.

Kabilang sa mga programang nilabasan niya ang mga sumusunod: Magpakailanman, The One That Got Away, Daig Kayo ng Lola Ko, Sherlock Jr., The Stepdaughters, at Victor Magtanggol.

Pahayag ni Sophie sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 27, “I really believe in timing.

"Maybe if I had a show earlier, then I’d probably wouldn’t have been ready.

“So it was nice that they were doing it slowly for me.

"I was never nainip because they were always giving me work, hindi lang ako naging part ng regular show ever since I transferred."

Masaya naman ba siya sa takbo ng kanyang career bilang Kapuso?

Tugon niya, “I’m starting from scratch again since moving to GMA.

"I’m pretty happy with the things are going now. I feel like the show is really opening, getting me out of my shell.

“That’s all I asked for naman—to be continuously working and to be learning.”

FORMER KAPAMILYA ASPIRING STAR

Bago pumirma sa GMA Network, nagsimula ang showbiz career ni Sophie nang manalo siya sa reality-based artista search program ng TV5, ang Artista Academy, noong 2012.

Nang nawala ang mga original entertainment shows sa Kapatid network, sinubukan ni Sophie ang kapalaran niya sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan lumabas siya sa isang episode sa Ipaglaban Mo.

Bakit hindi siya natuloy sa Kapamilya network at sa huli ay pumirma sa Kapuso network?

Sagot ng aktres, “In the beginning kasi, I wasn’t really looking to sign with any network.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isiniwalat din ni Sophie na bago siya sumali sa Artista Academy ay naging ABS-CBN talent muna siya.

“When I was younger, I was also launched in Star Magic. I was Batch 15.

"I was the same batch as Bela Padilla, Jessy Mendiola, Martin del Rosario...

"I kinda know what it is there [in ABS-CBN]."

Ikinuwento rin ni Sophie kung bakit napurnada ang simula ng career niya sa Kapamilya network.

“I wasn’t allowed by my mom.

“I was going through the workshops and everything without letting my mom know what it really was.

“She thought I was doing acting workshops.

“Parang she didn’t know that I signed the contract and all of that.

“She wanted me to finish school, I was really young pa, e.

"She wasn’t keen on me entering showbiz. So I had to stop and continue school.

“But, yeah, I kind of knew, like, how the environment was there.”

Sa huli, sinabi ni Sophie na naramdaman niyang mas gusto niya ang maging Kapuso.

“When I went to GMA, I had a feeling… I just had a meeting with Miss Lilybeth [Rasonable, senior vice president for Entertainment), and I had a feeling I think this is where I should be. Just a feeling lang...

“And then I told my manager, ‘I think this is where I want to be.’

“Eventually, I got signed with GMA.”


Stories We Are Tracking

Sophie confident Kris will overcome financial upheaval
Sophie confident Kris will overcome financial upheaval
Sophie Albert still optimistic despite dad's condition
Sophie Albert still optimistic despite dad's condition

NOT THE FIRST CHOICE

Ang role ni Sophie bilang Amber sa Pamilya Roces ang kanyang biggest break so far.

Originally, ang role ay ibinigay kay Winwyn Marquez, subalit kinailangan niya itong tanggihan para magampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang reigning Reina Hispanoamericana 2017.

Hindi rin daw isyu kay Sophie kung hindi siya ang first choice.

“Of course not. It’s a privilege, it doesn’t take away anything from it.

"I am luckier because it was not supposed to be mine," nakangiting sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Sophie sa Pamilya Roces sina Carla Abellana, Jasmine Curtis-Smith, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Manolo Pedrosa, at marami pang iba. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN