Billy Crawford unsure about return to It's Showtime; wants to focus on starting a family

IMAGE Mark Atienza

It's Showtime original host Billy Crawford stutters when asked if he will still return to the noontime show. He said all he wants now is to start a family with wife Colleen Garcia.


Nagsalita na si Billy Crawford kung bakit siya umalis bilang isa sa mga host ng It’s Showtime, ang daily noontime show ng ABS-CBN.

Sinagot din ng 36-anyos na singer-host ang tanong kung babalik pa ba siya sa programa.

Kinumpirma ni Billy ang mga naunang pahayag ng mga kaibigan, kagaya ni Vhong Navarro, na personal life ang pangunahing dahilan ng paglisan ng singer-host sa noontime show.


Stories We Are Tracking

Did Billy Crawford leave It's Showtime?
Did Billy Crawford leave It's Showtime?

May kaugnayan nga raw sa kasal nila ni Coleen Garcia ang leave of absence niya sa show.

Ikinasal sila noong April 20, 2018 sa Balesin Island sa Quezon province.

Lahad ni Billy, “Right before the wedding kasi, medyo naging sobrang busy talaga.

"And yun nga one of the reasons na nag-leave muna ako sa Showtime.

"Sa awa ng Diyos, at thank you sa management dito, na to be on a leave para I can concentrate on Coleen, my marriage, the wedding planning.”

Nagpaliwanag si Billy nang mag-guest appearance silang mag-asawa sa morning show na Magandang Buhay, nitong Biyernes, October 5.

Sabi niya, “After the wedding, nagpagawa ng bahay.

"So, instead naman na magpapaasa pa ako na, ‘Oo, babalik ako… babalik ako,’ I just took time off na lang.

"And it gave me time to concentrate and to focus on myself, my marriage, also my passion din, yung music ko.”

Isa rin daw sa mga dahilan ay ang paggawa niya ng album na inabot ng siyam na taon bago natapos.

“It’s part of my life, my music. It’s part of my passion.

"Hindi ko puwedeng madaliin, hindi ko puwedeng basta-basta gawin lang din.

“And yung inspirasyon din lang coming from Coleen and lahat, it’s all part of the plan.”

MARRIAGE, FAMILY COME FIRST

Hindi malinaw ang sagot ni Billy kung babalik pa ba siya sa It's Showtime.

“I’m sure, yes, pero I… I... I’m not sure now kung ano lang ang plano, kung kelan or what not, kasi hindi ko rin alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really want to start a family as well, di ba? So ang hirap, I wanna be a husband to my wife, I wanna be a father to my kids.”

Sagdag ni Coleen sa pahayag ng asawa, “May mga tao kasi na kaya, e, passion talaga nila to grind every day.

“Pero ito kasing si Billy, ang nakukuha ko just from getting to know him, at this point of his life, at 36 years old, he wants to slow down. He wants to focus on his family.

“E, buong buhay niya, he didn’t get to focus on his family.”

Sabi pa ni Coleen, “Ako, hiwalay yung parents ko, so pareho kami na yung gusto sa buhay, yun talaga yung priority namin is to have a good family life.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN