Juancho Trivino explains why he posted butt-naked photo on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Juancho Trivino on baring his butt on his Instagram account last April: "It was just a joke lang." 


Nilinaw ni Juancho Trivino na burado na ang kanyang butt-naked photo na ibinahagi niya sa kanyang Instagram noong Abril.

Ito ay sa kadahilanang pinayuhan siyang tanggalin ito para huwag nang pagpiyestahan pa ng netizens.

Pahayag ng Wild and Free star, “Dinelete ko yun.

“It was ok for me, pero some people advised me to take it down.

“Madaming atensyon na nakuha talaga yun. It wasn’t anything for me.”

Ayon kay Juancho, wala siyang nakitang masama sa litrato dahil nakasuot pa rin naman siya ng skimpy underwear.

“It was just a joke lang.

“Kasi, di ba, nakikita niyo mga babae, kapag sila ang nagti-T-back, okey lang? Di ba, sexy?"

Patuloy ng aktor, “Parang joke lang. Kumportable naman ako sa katawan ko.

“Pag ako gumawa, nakakatawa ba? Ganun din ba ka-sexy?

"O, di ba, ganun lang. It wasn’t anything more. It was just that.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho pagkatapos ng Wild and Free presscon, sa Valencia Events Place, Quezon City, noong September 25.

Bilang artista, hindi raw isyu kay Juancho ang pagpapakita ng katawan kung kinakailangan.

“Well, depende. Kung bloated ako baka hindi ako maghuhubad.

“Pero, I’m sure yung mga tao naman sa showbiz, lalo na yung mga nadyi-gym yung mga nagpapakita ng body, may mga times din na kumportable rin sila i-show off ang body nila.

“May mga off season na okey kami in terms of showing it off.”

READ: PEPALERTS CABINET FILES: Juancho Trivino, nag-post ng butt-naked photo niya

SEXY FILM WITH SANYA AND DERRICK

Hindi maiwasang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging daring ni Juancho, dahil kabilang siya sa cast ng Wild and Free, na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio.

Ginampanan ni Juancho ang papel bilang ex-boyfriend ni Sanya, kaya “todohan” din daw ang love scenes nila sa pelikula.

“I would say ito yung pinakagrabe na mga eksena na nagawa ko. I’m sure sila rin," pagtukoy ni Juancho kina Sanya at Derrick. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging propesyunal at magaan ang kanilang trabaho dahil siniguro raw nila na maayos silang nakapag-usap para sa proyekto.

Sabi raw ni Juancho kay Sanya, “Kung may gusto kang sabihin sa akin, kung meron kang limitations, sabihin mo sa akin para maiwasan ko as a gentleman.

“‘I just want to let you know na nirerespeto kita, Sanya.’”

Handa na ba silang pagpantasyahan ng mga manonood sa pelikula? 

Sagot ni Juancho, "Yeah, okey naman sa akin. Pero, it’s a role. It’s a something that we do.

"Siyempre di ko naman nili-limit sarili ko sa kahit ano.

"Kung yan ang maging sanhi ng ginawa namin, I'm very open to it and I'll be flattered." 

 


Stories We Are Tracking

Sanya Lopez unfazed by questions about her virginity
Sanya Lopez unfazed by questions about her virginity
Sanya comments on Derrick being carried away in love scene
Sanya comments on Derrick being carried away in love scene
Derrick picks steamy love scene with Sanya in Wild and Free
Derrick picks steamy love scene with Sanya in Wild and Free


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN