Jasmine Curtis-Smith on marrying: "I think baka mapaaga."

IMAGE Noel Orsal (left) / @jascurtissmtih on Instagram (right)

"Nagsisimula na rin na maging constant thought sa kanya yun. Pero ako, sinasabi ko na wait lang," says Jasmine Curtis-Smith about the thought of marrying her boyfriend of three years now, businessman Jeff Ortega.


Patuloy na nagiging matatag daw ang relasyon nina Jasmine Curtis-Smith at boyfriend nitong businessman na si Jeff Ortega. 

“Oo naman!” ang mabilis na sagot ni Jasmine nang tanungin kung sila pa rin ng non-showbiz boyfriend na galing din sa political clan na Ortega sa La Union.

“Magti-three years na kami next year, tagal na, ‘no?” nakangiting sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa grand presscon ng Pamilya Roces sa GMA Network Building nung October 3.

Kung ang kapatid na si Anne Curtis ay early thirties na nang mag-asawa, palagay raw ni Jasmine, mas maaga siya rito.

“I mean, sa ngayon ang nakikita ko, mukhang…siyempre, gusto kong paniwalaan na siya na talaga. And kung siya na nga talaga, feeling ko naman na-break na namin ang barrier ng dating, getting-to-know you, ‘Ano ba ang pamilya mo?’ ‘Ano ba ang pamilya ko?’

“So parang I think baka mapaaga.”

Pero natatawang sabi rin niya, “Siyempre ayoko rin namang bigyan ng oras. Nasa sa kanya rin yun.”

Nasa marrying age na rin naman ang boyfriend niya.

“Siya? Oo,” pangsang-ayon niya rin.

“Nagsisimula na rin na maging constant thought sa kanya yun. Pero ako, sinasabi ko na wait lang.”

Ibig sabihin pala, nagsasabi na rin sa kanya ang boyfriend ng intensiyon nito?

“May mga thoughts na siya na nilalatag,” pag-amin niya.

Siya raw talaga ang nagsasabi sa boyfriend na siguro ilang taon pa.

Katwiran ni Jasmine, kakapasok pa lang din niya bilang isang Kapuso.

“Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa GMA. Kung ano ang magiging result ng kontrata.”

Tatlong taon daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7.

Posibleng tatlong taon din niyang pinakiusapan itong maghintay?

“Oo, parang ganun,” natawa niyang pag-amin.

“Siguro yung huling year matatantiya ko kung ano ang gagawin ko. Tingnan natin.”

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WANTING TO WORK WITH GABBI

Dahil unang proyekto pa lang niya ang Pamilya Roces na magsisimula nang mapanood sa Lunes, October 8, sa paglipat niya sa GMA-7, posibleng may mga naiisip din siya na gusto niyang makasama sa mga Kapusong nadatnan na niya.

“Nabigay na nila sa akin halos ang mga…well, si Gabbi Garcia talaga I wanted to work with her,” lahad niya.

“Nang magkakilala kami from Pantene, binulungan na niya ‘ko na, ‘Narinig ko lilipat ka?’ Sabi ko, ‘Oo actually.’

“After nun, may good banter na kasi kami. So, siya yung parang pinakana-curious ako paano siya ka-work. At saka siya rin ang parang bini-build ngayon ng GMA.

“Usually kasi may ilangan. Iisipin ng isang artista, kumpetisyon. Pero ako, it’s more on paano siya ka-work. Kasi, mukhang mas may kalawakan, mas maluwag ang feeling. Mas malawak ang placement ng mga tao rito.”

 

PREPARED FOR FANS' REACTIONS

Sa mga Kapuso actors, sino ang gusto niyang makatrabaho?

“Sa mga lalaki, siyempre it would be nice to experience working with a lot of the younger stars na lalaki.”

Dugtong din niya, “Of course, mainly Alden [Richards]. It would be nice na makita kung ano ang kalalabasan ng work namin.

“I’m sure, mapupunta rin yun dun somewhere in the future. Kung sa Sunday PinaSaya man yan or full-blown TV series or guesting. 

“But me naman, wala akong hinahanap, e. 

“Kung ano ang ibigay sa akin talaga. Parang ang mindset ko sa pagpasok sa GMA is to just see what they have. Kung ano ang ibigay sa akin, I’ll find a way to work with it and then, palakasin na lang natin.”

Diretsahan na naming tinanong si Jasmine kung sa paglipat niya sa GMA, nagkaroon na ng concious effort na huwag silang magtambal ni Alden.

Balita pa lang noon na magiging Kapuso siya, kaliwa’t kanan na ang mga pangba-bash sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e,” sabi rin niya.

“Pero actually, wala naman. More of kaba lang noong una. Siyempre, parang inano na yan sa akin ni Mama Betchay [Vidanes, her manager] na, ‘O, baka lang, baka lang. Huwag kang mag-overreact. Pero what if?’

“Sabi ko, ‘Come what may.’

“Okey na yan, sige na! Alangan namang ako pa ang magsabi sa GMA na, ‘Boss, ayoko siyang kapareha!’ Di ba?” saad niya.

Sabi rin ni Jasmine, “Parang na-accept ko na rin siya.

“If it comes, alam ko na rin ang mga kasama dun. At the same time, thankful ako dahil meron pa rin namang mga fans that respect, understand that work is work and--may boyfriend naman ako, magti-three years na rin kami,” natawang sabi na lang niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN