Thea Tolentino defends reaction of ex-boyfriend Mikoy Morales to rude fan

IMAGE Instagram


Kamakailan ay na-involve ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa pagsagot—at pagmura—sa isang Twitter user na bigla na lang nakisingit sa conversation nila ng kaibigang si Juancho Trivino at dating girlfriend na si Thea Tolentino.

Nasa gitna ng usapan nila sina Mikoy, Juancho, at Thea tungkol sa upcoming Hollywood superhero movie na Aquaman nang biglang sumingit ang nagpakilalang AlDub fan.

 IMAGE Screen captured from Twitter

Patuloy na iniuugnay si Juancho kay Maine Mendoza mula nang aminin ng Kapuso actor na espesyal nga sa kanya ang ka-love team ni Alden Richards.

Read: Juancho Trivino admits, "Yeah, Maine is special."

Sa ngayon ay burado na sa Twitter ang post na ito ni Mikoy, ngunit may ilang naka-screen capture at nag-post sa kani-kanilang social media page at websites.

Sa nakaraang pagdalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng ginagawang Kapuso series na Asawa Ko, Karibal Ko, hiningan namin ng reaksyon si Thea sa inasal ng dating boyfriend at hanggang ngayo'y kaibigan na si Mikoy.

“Hindi rin naman talaga magandang tingnan na sumasagot kami, pero hindi rin naman tama ang thinking ng karamihan na porke artista kami ay we don't have the right to speak o ipahayag ang mga reaksyon namin. 

“Freedom of speech nga, di ba? Karamihan sa amin siyempre kontrolado pa namin mga emotion namin kaya hindi kami sumasagot at alam namin na wala namang patutunguhan.

“Minsan lang talaga, kailangan nang sumagot, e.

"Baka nakakalimutan nila, hindi lang kami artista, tao din kami na kung ano ang nararamdaman nila, nararamdaman din namin.”

Dati raw ay sumasagot si Thea sa bashers.

“Pero I've learned my lesson na huwag na lang. Kasi nagkaka-tension headache ako, kasi nakikita ko kung paano mag-isip yung iba.

“Yun bang basta lang makapag-post sa social media na wala naman kalaman-laman talaga ang mga sinasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko lang, masyado silang concerned sa buhay namin na mga bina-bash nila, na pag wala kami, wala silang buhay o makabuluhang ginagawa sa buhay nila.

“Nakakalungkot,” pahayag pa ni Thea.

WORKING WITH RAYVER CRUZ AND KRIS BERNAL

Samantala, abala nga ngayon si Thea sa pagte-taping para sa Asawa Ko, Karibal Ko na nakatakda nang umere sa October 22.

Sa direksyon ni Mark S. dela Cruz, kasama ni Thea rito sina Kris Bernal at ang nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz.

Ano ang pakiramdam ni Thea na sa unang teleserye ni Rayver sa GMA ay ka-love triangle siya?

Kumusta katrabaho si Rayver?

“Masaya na kakabalik lang ni Rayver, nakasama agad namin siya sa show na ‘to. Masayang katrabaho si Rayver. Palabiro. He is professional,” sinabi pa ni Thea.

Nakatrabaho na ni Thea si Kris sa mga guestings pero ito ang pinakauna sa isang regular drama series.

Kumusta maging kontrabida ni Kris?

“Challenging kasi magaling na artista si Kris.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN