Angelica Panganiban answers netizen complaining about aloof behavior at the airport

IMAGE Shaira Luna for PEP Headliner

Angelica Panganiban answers netizen who complained about her aloofness in Dubai airport. She told the netizen, "Gawin mo yung ginagawa ko, yung acting na ganun sa pelikula. Kapag nagawa mo, t*ng*na, tara. Bestfriend na kita." Angelica later apologized to the netizen and said that she's also disappointed with herself for what happened.


Sinagot ni Angelica Panganiban ang isang netizen na nagreklamo sa hindi niya pagpapa-picture sa ilang fans niya at tila aloof ito sa tao paglapag ng airport.

Kasalukuyang nasa Dubai si Angelica kasama ang ka-love team na si Carlo Aquino para um-attend sa screening ng pelikula nilang Exes Baggage.

Ayon sa netizen na may handle na khierztenzie04, "Nag arrived siya kanina dito sa dubai,cguro para magpromote but then nung lumapit un mga friends ko para magpapicture e nagtatakip xa ng hood ng jacket nia at halatang pilit ang ngiti.

"Tapos nung palabas na siya ng airport e naka busangot na naglalakad at hindi talaga approachable.Halayang sinadya niya para di siya lapitan ng tao. Nakakadisappoint lang idol pa man din kita (sad emoji)"

 IMAGE @iamangelicap on Instagram

Sinagot naman ni Angelica ang netizen at sinabing sa susunod ay pauunlakan niya ito, sa kundisyon na subukan nitong gawin ang lahat ng trabaho niya.

Bukod sa pagpo-promote ng pelikula, ginagawa ni Angelica ang teleseryeng Playhouse at ang comedy gag show na Banana Sundae.

Tugon niya sa netizen, "Sa susunod na flight, kahit wala akong tulog, ikaw una kong lalapitan. Kasama friends mo. Hindi ko tatakpan hair ko, para oily. Para mukhang pangit ako. Para makita insecurities ko. Okay yun?

"@khierztentzie04 gusto ko din pala magpa picture sayo. Pero may twist. Gawin mo yung ginagawa ko, yung acting na ganun sa pelikula. Kapag nagawa mo, t*ng*na, tara. Bestfriend na kita.

"Tapos may soap opera at sitcom in between. May promo din yan ha? Kanta kanta at sayaw ka din sa Showtime, asap, … okay ba? Free schedule mo sa March 9 pa. Sa March ka pa matutulog. Tara?"

 IMAGE @iamangelicap on Instagram
 IMAGE @iamangelicap on Instagram

Sa huli, humingi ng pasensya si Angelica sa netizen at sinabing "disappointed" din siya sa sarili niya dahil sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@khierztentzie04 pasensya na. Pagod na pagod na ko. Sana magkita tayo ulit. Yung wala akong jacket para d ka ma offend. (kiss emoji) disappointed din ako sa self ko sa ginawa ko sayo."

 IMAGE @iamangelicap on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN