Cesar Montano breaks silence on annulment of marriage with Sunshine Cruz; Sunshine reacts

IMAGE Arniel Serato / @cesar_montano on Instagram

Cesar Montano breaks his silence on annulment of marriage with Sunshine Cruz. He told Inquirer columnist Dolly Anne Carvajal, "I believe God allows everything to happen for a purpose. Marriage is one of the most expensive schools of highest learning in life. But more valuable than money is time. God didn't let me get out of it without learning something. God is good, all glory to Him."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Cesar Montano tungkol sa pagkaka-grant ng annulment ng kasal niya sa aktres na si Sunshine Cruz.

Matatandaang noong September 18, 2018 ay ibinaba na ng korte ang annulment papers nina Sunshine at Cesar pagkatapos ng halos apat na taong pagdinig.

May 2014 nang maghain si Sunshine ng petition for annulment of marriage, isang taon matapos nilang maghiwalay ni Cesar.

Nauna nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine tungkol dito sa mismong araw ng pagbaba ng annulment papers nila.

Sa Dollywood column naman ng Inquirer columnist na si Dolly Anne Carvajal kahapon, October 6, ay nagbigay ng maikling pahayag si Cesar.

Ayon sa kuwento ni Dolly Anne, na kilala rin bilang "BFF" o best friend ni Cesar, nag-text agad si Cesar sa kanya matapos i-grant ang kanilang annulment.

Sabi lang ni Cesar, "It’s best not to say anything to the press. Less talk, less mistake."

Bago raw mag-weeklong birthday break sa pagsusulat si Dolly Anne ay pumayag nang magbigay ng pahayag si Cesar.

Saad ng 56-year-old actor, "I believe God allows everything to happen for a purpose.

"Marriage is one of the most expensive schools of highest learning in life. But more valuable than money is time.

"God didn’t let me get out of it without learning something. God is good, all glory to Him."

Dagdag pa ni Dolly Anne sa kanyang column, siya raw ay nakaka-relate sa pinagdaanan ni Cesar, na kilala rin sa palayaw niyang Buboy.

Sabi pa ni Dolly Anne, "But just because a marriage ended, it does not mean that it failed if both parties have become better persons and learned what they had to learn.

"For whatever Buboy and Shine have shared is worth and for the sake of their three lovely daughters, may they find their way back to friendship and honor the memory of the love that brought them together, once upon a time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUNSHINE REACTS TO COLUMN

Sa isang public Facebook post naman ni Sunshine ngayong hapon, October 7, ay nagbigay siya ng maikling reaksiyon tungkol sa column ni Dolly Anne.

Saad ni Sunshine sa kanyang post, "Since you’ve always been defensive, vocal and a proud BFF of my EX, I’ve said it before and I’ll say it again.

"Given that you Ms. Dolly Ann Carvajal have gone through an annulment as well, you will NEVER be able to compare your experiences from mine.

"I don’t know if you would recall when I sent you a text message few years ago stating that I don’t expect sympathy coming from you.

"I just simply reminded you that you are a mother and a woman as well."

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-react si Sunshine sa column na isinulat ni Dolly Anne tungkol kay Cesar.

Noong September 15 ay nagbigay ng opinyon si Dolly Anne sa isyung child support na nauna nang ibinahagi ni Sunshine sa kanyang social media accounts.

Diumano, may pagkukulang si Cesar sa financial support para sa kanilang tatlong anak na babae: sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Sabi ni Dolly Anne sa kanyang column, bagamat nagkuwento si Cesar sa kanya tungkol sa isyu ay hindi siya makakapagsalita tungkol dito.

Subalit personal daw niyang nasaksihan ang pagiging mapagbigay ni Cesar sa anak ng kanyang mga kaibigan, kaya hindi malabong ganun din siya sa sariling anak.

Reaksiyon naman ni Sunshine, "Generous? LOL! Baka sa mga anak nyang mga bago? Inaanak mo nga ang isa sa kanila right? Sama ka sa korte next week para malaman mo ang totoo.

"Walang magrereklamo kung totoo yang sinasabi mo Ms. Dolly Ann Carvajal. Again, this is not about me or for me but for the children."


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Sunshine Cruz replies to columnist defending Cesar Montano
Sunshine Cruz replies to columnist defending Cesar Montano
Sunshine Cruz wants Cesar Montano to honor his obligations
Sunshine Cruz wants Cesar Montano to honor his obligations


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN