Victor Neri reveals "explosive" day job

IMAGE Rommel Gonzales

Victor Neri stopped doing teleseryes after Pinulot Ka Lang Sa Lupa because of his very dangerous day job.


Ayon kay Victor Neri, mahirap daw ang schedule sa paggawa ng teleserye kaya matagal nang wala siyang kasunod na show pagkatapos ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa na umere mula January hanggang April 2017 sa GMA-7.

“Ang hirap ng schedule ng teleserye, e. Kasi may day job ako, e.”

At dito na namin nadikskubre ang “kakaibang” trabaho ni Victor.

Nasa law enforcement pala siya!

“Sa EOD [explosive ordnance disposal], yung bomb squad," pagtatapat ni Victor.

Ordnance ang military term sa weapons, artillery, o arms and ammunition.

Trabaho ni Victor ang mag-disarm o kaya'y mag-detonate ng bomba.

Paano siya napasok sa linyang ito? Nag-apply siya? Ni-recruit?

“Oo, dahil advocate ako ng peace and order, self-defense, and I saw the need na kulang yung mga EOD technician, e.

“Nag-eight months training sa Philippine Coast Guard," kuwento ng aktor.

So iyon ang trabaho niya talaga?

“Oo, araw-araw.”

Sideline na ni Victor ngayon ang pag-aartista.

Kailan siya huling actual na nakapag-dispose ng bomba?

“Nag-dispose kami nung… yung mga nahanap na World War II [bombs]. Marami pa, e. Nung May.”

Pero wala pa naman daw siyang naeengkuwentrong bomba mula sa bomb threats.

“Wala pa, kasi kanya-kanyang area naman, e. Sa area ko wala pa.”

Ang area na tinutukoy ni Victor ay ang serbisyo niya sa ilallim ng Philippine Coast Guard.

Hindi ba siya natatakot sa uri ng trabaho niya?

“Okey lang. After training parang nauubos yung takot mo, e.”

Araw-araw ba ay pumupunta siya sa Philippine Coast Guard?

“Dati. Ngayon kasi magta-transfer agency na ako, yung permanent.”

Saan naman ba siya mata-transfer?

“Ay hindi ko pa…hinihintay ko pa yung…”

Nakaapat na operation na raw siya sa ilalim ng Philippine Coast Guard at hindi raw nababalita madalas ang mga misyon na nasamahan niya.

"Basta may threat, kami ang pupunta."

May plano rin daw siyang maging instructor sa bomb disposal ngunit kailangan uling sumailalim ng training. Nasa level 2 na nga raw siya ng pagiging EOD officer na may levels 1 to 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung 3, instructor yun, e. Magtu-two na [ako] next month. Re-training yun, re-training.”

IMMIGRATION AGENT

Pero bago ang Philippine Coast Guard, naging officer din si Victor sa Bureau of Immigration.

“Yung huli ako, I was with the Bureau of Immigration.”

Halos isang taon daw siya roon. At ang kanyang trabaho: “Fugitive Search Unit, kinukuha ko yung mga may warrant sa abroad.”

Mga murderers, pedophiles at kung anu-anong may kaso na pumapasok sa bansa ang hinuhuli ng unit na kinabibilangan niya noon sa Bureau of Immigration.

“So pag nahuhuli mo... kasi nakikita mo, e. Kung ano yung epekto sa community e, matatakot ka na.

“Tapos umabot na sa nanghuhuli kami…nakakahuli na kami ng terorista dito, dito pala nagtatago. So ako, I fear for my kids, for other people’s kids. So yun yung ano na lang, drive ko siguro.”

Bakit iniwan niya iyon? Bakit nalipat siya sa pagdi-dispose ng bomba?

“Kasi mas importante na yun, dahil ang labanan ng terorista bomba, hindi naman baril lang.”

STARRING IN A MUSICAL

Gaganap si Victor bilang si Victor sa Hapi Ang Buhay The Musical.

Produced ng EBC Films (ng INC), ang pelikulang Hapi Ang Buhay ay sa direksyon ni Carlo Cuevas na siya ring direktor ng Guerrero na nanalong Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival 2018.

Ginanap ang red carpet premiere ng pelikula noong Biyernes, September 21, sa Cinema 3 ng SM Megamall kung saan namin nakapanayam si Victor.

Bukod kay Victor ay nasa pelikula rin sina Antonio Aquitania, Genesis Gomez, Mike Magat at marami pang iba.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN