Ogie Alcasid denies convincing wife Regine Velasquez to transfer to ABS-CBN

IMAGE @ogiealcasid on Instagram

"Ako po ay walang kinalaman dun, ang asawa ko ay isang matalinong tao. Di naman yan magiging Asia's Songbird kung di yan nagtiyaga ng kanya lang, hindi ba? Ako naman ay asawa lang niya," says Ogie Alcasid about rumors that he has been convincing his wife Regine Velasquez to transfer to ABS-CBN.


May mga nagsasabing may kinalaman daw si Ogie Alcasid sa usap-usapang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Ito ay dahil daw nasa Kapamilya network na si Ogie at kinukumbinsi diumano nito si Regine na lumipat na rin doon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Ogie sa nakaraang ABS-CBN Ball na gjnanap sa Makati Shangri-La Manila, noong nakaraang September 29, siniguro singer-songwriter-comedian-TV host na kahit minsan ay hindi siya nakialam sa mga desisyon ng asawa.

"Natural lang naman na isipin nila yun dahil nandito na ako,” pakli ni Ogie.

“Ako po ay walang kinalaman dun, ang asawa ko ay isang matalinong tao. Di naman yan magiging Asia's Songbird kung di yan nagtiyaga ng kanya lang, hindi ba? Ako naman ay asawa lang niya.”

Tinanong din si Ogie kung bukas ba siyang makatrabaho si Regine kung sakaling matuloy nga ang paglipat nito at ano bang proyekto gusto niyang makasama ang asawa?

"Sino ba ang may ayaw na katrabaho mo ang asawa mo? If that will happen, it's a wonderful experience.

“Actually, ang tagal na rin naming di nagkatrabaho together. Limang taon na in a TV show."

Huling nagkatrabaho sa TV sina Ogie at Regine sa GMA-7 Sunday variety show na Sunday All Stars, bago lumipat ang singer-komedyante sa TV5 nang magtapos ang kontrata nito sa Kapuso network nung 2013.

“Mas maganda sana kung sitcom. Kami kasi sa bahay, medyo kapag pinapanood ang Instagram niya, para kaming sitcom, e.  Given na rin siyempre maganda kung kumakanta kami."

Sa huli ay umiwas pa ring kumpirmahin ni Ogie ang usap-usapang paglipat ng kanyang asawa sa Kapamilya network.

"Mas maganda siguro na siya na lang ang kausapin niyo, Basta ako bilang asawa niya, laging full support sa kanya at excited ako para sa kanya, kung anuman ang mangyayari. It's a blessing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ORIGINALLY A KAPAMILYA

Sunud-sunod ang mga proyekto na ginagawa sa ABS-CBN ni Ogie, tulad ng Home Sweetie Home, ASAP at sa It’s Showtime bilang isa sa mga hurado sa “Tawag Ng Tanghalan.”

Labis naman ang pasasalamat ni Ogie na ang dami niyang ginagawa sa ngayon.

“It's good, maganda naman yung spacing. Saka yung mga boss natin, ang sarap kausap. They are always looking after us, ‘O, okey ka ba? Kumportable ka ba diyan?’

"I have been very blessed as when I transferred here and it feels like parang di ako umalis. Di ninyo alam na dito rin naman ako nagsimula. Sa ABS-CBN.”

Sinimulan ni Ogie ang kanyang TV career sa ABS-CBN nung 1992 sa pamamagitan ng comedy show na Small Brothers kasama ang kaibigang si Janno Gibbs.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN