Gloria Diaz "cool" with transgender pageant candidates

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 1969 Gloria Diaz says she's OK with transgenders joining beauty pageants.


Makalipas ang dalawang taon ay may teleserye muli si Gloria Diaz at ito ay ang Pamilya Roces ng GMA-7.

Pero kahit two years siyang walang TV series ay hindi naman siya nabakante sa trabaho.

Nakagawa siya ng indie movie, ang Si Chedeng At Si Apple kasama ang co-star niya sa Pamilya Roces na si Elizabeth Oropesa; ng TV commercial kasama ang kapwa niya Filipina Miss Universe winners na sina Margie Moran at Pia Wurtzbach; at pagkatapos ay nangibang-bansa.

“So quite busy too. But of course iba ang buhay-teleserye, di ba? So medyo okay, especially the people I was working with, I’m very familiar with sina Oro [palayaw ni Elizabeth], si Direk Joel [Lamangan], we did a show with him pa, e. Lihis, with my daughter [Isabelle Daza], and then we did… four years ago ginawa namin yung Familia Sagrada.

“So, in a way, I think the only bakante I get is mga three months. E, ang dali-dali, ang dami kong…hindi nga ako makaayos ng kuwarto," pabirong sabi ni Gloria.

WORKING WITH DIREK JOEL

Mga pelikula at ang teleseryeng Kung Mawawala Ka ang mga trabaho ni Gloria kay Direk Joel bago ang Pamilya Roces.

Kumusta katrabaho ngayon si Direk Joel?

“He’s, I would say, exactly the same.”

Bakit may nagsasabi na hindi na naninigaw ang batikang direktor sa set?

“Naku naman! Sino may sabi? Sinungaling," at tumawa ang dating Miss Universe.

“Exactly the same. The only difference now is may cut-off siya, and that is wonderful.”

In another interview ay umamin si Elizabeth na nasisigawan pa rin siya ni Direk Joel pero magkaibigan sila kaya ganoon.

Pero si Gloria, never pa bang sinigawan ng Pamilya Roces director?

“Hindi naman… siguro, a little, kasi I don’t kuwan, e... do anything. I’m there early, ready, scared, I don’t wanna be… Baka mapaiyak ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gloria Diaz na siya natatakot pa pala siya?

“Siyempre baka mapahiya or something, I don’t know how I’ll react, but siguro nasigawan na rin.”

 

IN FAVOR OF TRANSGENDER CANDIDATE

Samantala, nakakaaliw ang sinabi ni Gloria na masuwerte siya at wala siyang kalabang transgender noong sumali at nanalo siya bilang Miss Universe 1969.

Napakagaganda raw kasi ng mga transgender kaya mahirap labanan ang mga ito sa isang beauty pageant.

At oo, pabor si Gloria sa partisipasyon sa 2018 Miss Universe beauty pageant ni Miss Spain Angela Ponce na isang transgender woman.

“Cool! Siyempre go with the flow, hindi ba? Of course, fortunately hindi ko kasabay kasi the transsexuals are very, very attractive, and I think they will give them [real female candidates] a stiff competition. Talagang iba sila…ang dating nila, and the focus is on them.”

 

CATRIONA GRAY’S CHANCE OF WINNING

Ano naman sa palagay niya ang tsansa sa Miss Universe ng ating kandidata na si Catriona Gray?

“You know she’s beautiful, I think she will do well. I don’t know kung…I can’t tell, actually I’ve never seen her in person. Kita ko lang siya…ang dating niya sa Instagram, sa pictures, so I don’t know. Pero maganda siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gloria sa presscon ng Pamilya Roces nitong Miyerkules, October 3, sa Prime Hotel sa Quezon City.

Samantala, bukod kina Gloria (as Natalia Austria-Roces) at Elizabeth (as Violet Balocboc) ay nasa Pamilya Roces sina Carla Abellana (as Crystal Roces), Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Gabbi Garcia (as Jade Roces), Snooky Serna (as Camilla Austria), Ana Roces (as Lily Renacia), Roi Vinzon (as Rodolfo Roces), Andre Paras (as Gareth Austria), Mika Dela Cruz (as Chanel Rosales) at ang bagong Kapuso na si Jasmine Curtis-Smith (as Pearl Renacia).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin dito sina Sophie Albert (as Amber Bolocboc), Shaira Diaz (as Amethyst Roces) at Manolo Pedrosa (as Gil Figueroa).

Eere ito sa GMA simula October 8.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN