Bb. Pilipinas-Intercontinental Karen Gallman starts preparing for January 2019 pageant

IMAGE Rose Garcia

Bb. Pilipinas-Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman on preparing for the January 2019 Miss Intercontinental pageant: "I've started preparing na... Yung gowns ko, national costume, I want that prepared na before the pageant. I started hitting the gym to get my body fit and in shape for the pageant."


Minsan nang lumaban sa Binibining Pilipinas noong 2012 ang ngayo’y Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 na si Karen Gallman.

Kung meron man na nagsasabing hindi siya purong Pinay at sa Brisbane, Australia, talaga nakabase, may sagot siya rito.

“Kung Filipina ka, kung may lahi kang Filipina, Filipina kang talaga,” saad niya.

“To be honest, I’m half. I was born and raised in Bohol. Marunong akong mag-Bisaya, mag-Tagalog. Isn’t that Filipino na Filipino? Yes, I have Australian blood but my heart and my roots is Filipino," sabi pa ng 25-year-old Filipina-Australian.

GETTING READY FOR THE PAGEANT

Sa January 26, 2019 pa magaganap ang 47th Miss Intercontinental sa Mall of Asia Arena.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay dito sa bansang Pilipinas gagawin ang Miss Intercontinental pageant. Pero ngayon pa lang ay naghahanda na raw si Karen para rito.

“I’ve started preparing na. I’ve started organizing and preparing na. Yung gowns ko, national costume, I want that prepared na before the pageant. I started hitting the gym to get my body fit and in shape for the pageant.”

Magkakasamang humarap sa press na ginanap sa Conrad Hotel noong October 4 sina Karen at ang 2018 Miss Intercontinental Japan Akari Maeda, Miss Intercontinental Japan COO Kumi Miyamae, Miss Intercontinental Japan CEO Joanna Leonisa Gimena Miyamae, Miss Intercontinental Organization CEO Detlef Tursies, at Miss Intercontinental 2017 Veronica Salas Vallejo.

Noong oras lang din daw na yun nakilala at nakaharap ng Binibining Pilipinas-Miss Intercontinental 2018 ang mga ito.

“It was great, I actually met her thirty minutes bago ako pumasok,” ang tinutukoy nga niya ay ang reigning Miss Intercontinental na si Veronica Salas Vallejo.

“She’s lovely, she’s charming. That’s why she won because she’s lovely and charming. I met the CEO as well kanina, it was really cool. It feels great that you’ve met them beforehand, before the pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It made me feel a lot more comfortable and confident as well.”

Nagulat din daw si Karen na sa Pilipinas na gagawin ang pageant. 

Una kasing napabalita ay sa bansang Japan ito magaganap.

“I was so surprised because it never happened before. I was expecting that it’s overseas and I was looking forward to that, traveling. Who wouldn’t? And then, it became Philippines. I was like, 'Oh, okay...'

“But at the end of the end of the day, I was happy because it’s an advantage.”

Nakikita nga raw ng Filipina-Australian na to her advantage na sa bansa ito gagawin.

Ayon dito, “Of course, it’s an advantage. You have your supporters and Philippines is very supportive when it comes to pageants and I’m really happy on that. Also, my family from Bohol can come to Manila and watch me.

“That’s amazing, right?”

Sa mga Pinay beauty queens, may mga iniidolo raw si Karen.

“Si Venus Raj and mabait talaga si Venus. She started the whole ingay ng Binibini, e. And of course, si Shamcey Supsup. She’s very intelligent and of course, Pia Wurtzbach. That girl is amazing. And the dedication and the hard work that she puts in... three times siyang sumali sa Binibining, that’s probably hard to do but she did it and she won.”

NO PLANS TO MARRY YET

Engaged na si Karen sa kanyang Australian boyfriend. 

So far, wala pa naman daw silang plano kung kailan sila magpapakasal.

“Probably it’s not this year and not next year,” saad niya.

“Manalo o matalo, I don’t think we would get married next year. Kasi, hindi pa kami nag-o-organize and I’m focused with the pageant as well.”

Nitong June lang din daw sila na-engage pero matagal na raw nilang pinag-uusapan ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s very supportive,” saad niya.

“Actually, pumunta siya rito sa Philippines, nag-stay siya ng ilang months para suportahan ako. Then sa pageant on January, he’ll be here and his family and also my family to watch.”

PLAN ON ENTERING SHOWBIZ

Nang tanungin si Karen kung isa sa plano niya ay ang pasukin ang showbiz, nakangiting sagot niya, “I’m not sure yet, we’ll see. Depends on projects, it depends.

“Marami namang mag-o-offer diyan, but if the project is not big or extra-extra lang, maybe I won’t go on that. But if it’s great project, why not?”

Sa mga actor, mabilis na isinagot niya ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales na showiz crush niya raw.

Aniya, “I admire Jericho Rosales’s work. I grew up watching his mga teleserye dati with Kristine Hermosa.”

Gusto rin daw niya sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, at Coco Martin.

“As in they’re very talented,” sabi pa niya.

Kung magiging artista siya, sino sa apat na kilalang aktor ang papangarapin niyang maging leding man?

“Oh, Jericho Rosales!” nakangiting sagot niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN