Rocco Nacino, girlfriend Melissa Gohing not in a hurry to wed: "Trabaho muna... volleyball."

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino on having a non-showbiz girlfriend: "Kakaiba din, kakaibang sabik sa isa't isa in a way na marami kaming napag-uusapan, outside of showbiz, outside of volleyball."


Isang taon na ang relasyon nina Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Ngunit ayon sa aktor, hindi pa sila handang lumagay sa tahimik ng nobyang professional volleyball player.

Sabi ni Rocco, 31, "Wala pa, magtrabaho muna."

Sa tingin ba niya, ang 26-year-old girlfriend na ang magiging katuwang niya sa buhay?

Tugon ng Kapuso actor, “If everything goes well at tuluy-tuloy, malamang sa malamang, dun na papunta yun.

“Pero right now, namumuhay kami ngayon sa present. I mean, ini-enjoy namin kung anong meron ngayon.

“At very ano siya, e, very… priority din niya ang volleyball ngayon.

"She gets to play for the Philippine team kaya ayokong madaliin ang mga bagay-bagay."

Sa tingin ba ni Rocco mas okay na non-showbiz si Melissa kaysa sa mga nakaraang karelasyon niya na kasamahan niya sa industriya?

Sagot niya, “It has its pros and cons.

"Kakaiba din, kakaibang sabik sa isa’t isa in a way na marami kaming napag-uusapan, outside of showbiz, outside of volleyball.

“Pero ang maganda kasi, click kami kahit marami kaming differences.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa ginanap na presscon ng teleseryeng Pamilya Roces noong October 3, sa Prime Hotel sa Quezon City.

Ang Pamilya Roces ay ang bagong prime-time series ng Kapuso Network na mapapanood na simula ngayong gabi, October 8, sa GMA Telebabad.

VERY STRONG, INDEPENDENT

Ayon kay Rocco, sa isang relasyon ay hindi naman talaga maiiwasang may mga away o tampuhang mangyayari.

Sabi niya, “Merong away siyempre. Kung walang away yung relationship, hindi siya totoong relationship.”

Sa ilang pagkakataon na sila ay nagbakasyon o bumiyahe na magkasama, unti-unti raw niyang nakilala ang magagandang katangian ng nobyang si Melissa.

Saad ni Rocco, “Very ano, very strong and independent siya.

“Kahit saan mo pa siya ilagay, kaya niyang maki-blend at kaya niyang mag-isa talaga.

“Uhm, natuwa ako, na dala ng pagiging athlete niya, very strong personality na kaya kung sakyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN