Roi Vinzon reveals he has 7 children with 3 women in real life

IMAGE Noel Orsal

Roi Vinson stars in the new GMA 7 teleserye Pamilya Roces that mirrors his own life.


Katulad ng takbo ng kuwento ng Kapuso prime-time series na Pamilya Roces, tatlo rin ang pamilya ng veteran actor na si Roi Vinzon sa totoong buhay. 

Ang pagkakaiba raw, kung sa Pamilya Roces ay pinagsabay-sabay ng karakter ni Roi ang pagkakaroon ng tatlong pamilya, siya raw ay walang pinagsabay.

“One at a time, hindi sabay-sabay,” paglilinaw niya.

Ang una at orihinal niyang pamilya ay nasa America raw at dalawa ang anak niya doon. 

Divorced daw siya sa una niyang asawa.

Kasal naman siya sa ikatlong ina ng mga anak niya rito sa Pilipinas.

Pito raw lahat ang mga anak ng aktor sa tatlong babae.

Thirty-four years old ang pinakapanganay at ang pinakabunso ay 10 taong gulang.

Isa pang pagkakaiba ng buhay ni Roi sa takbo ng kuwento ng Pamilya Roces, hindi raw nag-aaway-away ang mga anak niya.

“Hindi sila nag-aaway, nagpupunta pa sa bahay,” sambit niya. 

Pabiro pang sabi ng aktor, “Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung alam ako ng writer…

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit in-offer sa akin ‘to.”

Nag-pilot na ang Pamilya Roces nitong Lunes, October 8, sa GMA-7. 

Ang mga karelasyon niya sa show ay sina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, at Ana Roces. 

Ano ang nakikita niyang aral na makukuha ng mga manonood na susubaybay sa prime-time series nila?

Ayon kay Roi, “Hindi naman ginaganun ng writer, hindi yung mas masaya, hindi siya hina-hype.

“Hindi naman kasi pupuwede yun… problema, e, kumbaga, hindi dapat tularan.”

WORD OF HONOR

Simula nang gawin ni Roi ang My Husband’s Lover ay nagtuluy-tuloy na ang malalaking teleseryeng ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network.
 
Saad niya, “Hindi ko alam, ganun lang naman ang career ko; noong nagpelikula ako, nag-lead din naman ako.

“So sa series, parang hindi na ako masyadong… pero ang pasasalamat ko, bakit hanggang ngayon? 

“Hindi ko alam, hindi ako nagtatanong. At least, nakitaan siguro ako ng GMA na ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ano naman ang i-offer sa akin, tinatanggap ko, e. Anything.” 

Three years daw ang kontrata niya ngayon sa GMA Artist Center.

Ano ang reaksiyon ng mga kasabayan niyang artista sa kanyang pagiging bida?

“Nandiyan sila, nagtatanong sila, ‘Buti na lang si ano,’ yung ganun.”

Kabilang sa mga kasabayan niya sina Rez Cortez, Ronnie Ricketts, Michael de Mesa, Bembol Roco, at ang yumaong si Dick Israel.

Sinigurado ni Roi na hindi niya kinakitaan ng inggit ang mga ito.

“Sweetheart, hindi ganun, hindi inggit,” pagtatama niya.

“Lumalabas din sila sa GMA. Si Rez, si Michael nasa ABS-CBN, sina Bembol Roco...”

Malaking bagay raw kay Roi ang loyalty.

“Ito ang palabra de honor ko, ito lang, kinukuha ako sa kabila pero hindi ako puwede.

“Noon pa, Husband’s Lover pa, pero sabi ko, 'Sorry, nandito na ako, e.'

“Hindi pa ako nakakontrata noon, sabi ko lang sa kabila, 'Pasensiya na kayo pero dito na lang muna ako.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN