Marlo Mortel open to revival of tandem with Janella Salvador

IMAGE Mark Atienza

Marlo Mortel says he has no problem reuniting with former love-team partner Janella Salvador, after her rumored breakup with Elmo Magalona. Marlo and Janella were first paired in the daytime teleserye Be Careful With My Heart.


Kamakailan ay napabalitang hiwalay na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, at ngayon ay may mga nag-iisip na mabubuwag na rin ang kanilang love team na ElNella.

Bago ang naturang tambalan ay naunang ipinareha si Janella kay Marlo Mortel sa teleseryeng Be Careful With My Heart, kung saan nabuo naman ang MarNella tandem.

Marami sa MarNella fans ang nadismaya nang biglang itambal si Janella kay Elmo at buwagin ang MarNella love team.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Marlo sa ASAP noong October 7, tinanong namin ang singer-actor kung bukas siya kung saka-sakaling itambal siyang muli kay Janella at buhaying muli ang MarNella tandem.

Sagot niya, "Oo naman, ako naman never akong nagkaroon ng issue with her or anyone else.

"Kung sino ang gustong mag-work with me, it's okay."

Aware ba siya sa nababalitang away sa pagitan nina Janella at Elmo?

Pahayag ni Marlo ukol dito, "Hindi ko alam ang kuwento pero alam ko na problemado siya."

Hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap ni Janella.

"Hindi pa, siguro kapag siya mismo willing mag-open kung anuman yung probelma, nandito lang naman ako lagi for her."

COPING WITH MOM'S DEATH

Maganda ang itinatakbo ng career sa ngayon ni Marlo.

Napapanood siya sa Ang Probinsyano bilang boyfriend ni Sue Ramirez sa istorya.

Sa kabila nito ay nandun pa rin ang lungkot dahil sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang ina kamakailan.

Pahayag ni Marlo, "Right now, I am happy kasi maraming mga blessings. Coping, coping pa sa nangyari.

"Minsan malungkot pero nililibang na lang namin ni Daddy ang mga sarili namin.

"Lalo na siya, sobrang heartbreaking, kasi wala naman siyang ibang pinagkakaabalahan, unlike me may work, may friends.

"Gina-guide namin siya, lagi kaming lumalabas, mas naging close kami talaga every day."

Sabi naman niya tungkol sa pumanaw na ina, "Sobrang nami-miss ko siya, sana nakikita niya ang mga nangyayari ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pa siyang gustong gawin, marami pa siyang gustong ma-witness lalo sa akin kaya dini-dedicate ko na lang lahat sa kanya."

CONCERT

Nalalapit na rin ang first major concert ni Marlo, kung saan magpapakita siya ng talento niya bilang isang mang-aawit.

"Magkakaroon ako ng first major concert sa Music Museum on October 26, the title is ImMORTELized, last name ko is Mortel.

"I'm gonna have your favorite songs from '70s, '80s, '90s.

"It's gonna be one fun musical experience with my special guests, isa na diyan si Sue Ramirez.

"Magdu-duet kami kaya abangan nila iyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN