Rayver Cruz taking things slow with rumored girlfriend Janine Gutierrez

IMAGE Noel Orsal

Rayver Cruz on Janine Gutierrez: "Ang importante masaya kami ngayon, masaya kami sa trabaho namin and happy kami pag magkasama kami and yun naman ang importante."


Cool and steady lang daw ang anumang namamagitan kina Rayver Cruz at Janine Gutierrez ngayon.

Kahit marami ang nagsasabing may romantic relationship na ang dalawa, nananatiling "exclusively dating" pa rin daw ang kanilang estado.

Sabi ni Rayver, “Ganun pa rin, e, wala namang aaminin, e.

“Kung meron, aamin kami. Ganun talaga, dapat sipagan lang, kahit sa trabaho, kahit sa buhay.”

Dagdag pa niya, “We’re happy. We’re super close, mas close kami than before, going out, we’re still dating.”

Kahit nasa tamang edad na sila ni Janine na 29, hindi naman daw kailangang madaliin ang mga bagay-bagay lalo na ang pagiging magkasintahan.

Ayon kay Rayver, “Oo nga [nasa tamang edad] pero hindi naman kasi lahat ng bagay minamadali.

"Naniniwala naman kasi ako na kung kayo talaga, kayo naman para sa isa’t isa, wala namang kailangang madaliin.

"Ang importante masaya kami ngayon, masaya kami sa trabaho namin and happy kami pag magkasama kami, and yun naman ang importante."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press si Rayver sa grand media conference ng bagong palabas ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko noong October 8.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Ipalalabas ang Asawa Ko, Karibal Ko simula sa October 22 sa GMA Afternoon Prime.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN