Devon Seron still evades questions on relationship status with Kiko Estrada

IMAGE Noel Orsal

Devon Seron is all praises for Kiko Estrada: "He's very special at tinatrato niya ako nang maayos, he's a gentleman, and napakabait, and happy ako kapag lagi ko siyang kasama."


Ayaw pa ring aminin ni Devon Seron na boyfriend na niya ang kapwa Kapuso star na si Kiko Estrada.

Sa kabila ng halata naman sa kanilang mga kilos at sa mga larawan nila sa social media, nananatiling tikom ang bibig ng 25-year-old actress.

Pag-iwas pa ni Devon, “Oh, my God. Well, it’s different. Bakit kasi ako lagi ang natatanong?

“Tanungin niyo lang po siya, siya naman po para maiba naman.”

Gaano ba kasaya ang puso niya ngayong may nagpapaligaya na sa kanya?

Sagot niya, “Masayang-masaya naman, may inspiration.”

Ayon kay Devon, matagal na silang magkakilala ni Kiko.

“Actually, magkakilala na po kami hindi pa man kami naging magkatrabaho.

“Workshop pa lang, like 2010. Nag-workshop pa lang kami, magkasama na kami sa workshop, nagkasama rin kami sa ilang eksena sa isang show.

“And nag-separate na ng network, after that nagkasama na po kami sa movie sa Regal, yung Pwera Usog [2017] and then nasundan din siya ng Walwal [2018].

“Close na kami even before pa, nawalan na lang ng communication dahil nga sa work and very busy.

"Then, nung nagkasama na kami sa Pwera Usog, dun na po kami nakakapag-bonding, 'tapos naulit sa Walwal."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Devon sa grand mediacon ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City, kagabi, October 8.

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ay ang bagong panghapong teleserye ng Kapuso Network na ipalalabas simula sa October 22.

VERY SPECIAL

Bagamat hindi pa umaamin, sinabi ni Devon na napaka-espesyal sa kanya ni Kiko dahil masaya siya kapag magkasama sila.

Sabi niya tungkol sa 23-year-old rumored boyfriend, “He’s very special at tinatrato niya ako nang maayos, he’s a gentleman, and napakabait, and happy ako kapag lagi ko siyang kasama.

“Hindi ko akalain na napakalalim niyang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he’s very smart and napaka-gentleman.

"And yun nga sinasabi ko, pag nag-uusap kami, very passionate talaga siya sa trabaho.

“So, marami po akong natutunan sa kanya. And andiyan siya kapag nahihirapan ako sa eksena and gina-guide niya talaga ako.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN