Benjamin Alves mourns death of his father in Guam

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: Benjamin Alves on Facebook

Kapuso actor Benjamin Alves pays tribute to his late father by changing his profile pic on Instagram.


Nagdadalamhati ngayon ang aktor na si Benjamin Alves—Benjamin Sapida sa totoong buhay—dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama na si Ebet Sapida kagabi, October 8, sa Guam.

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa taping ng Kapuso daytime series na Kapag Nahati Ang Puso si Benjamin nang malaman niya ang malungkot na balita.

Na-pack up daw ang taping ng teleserye nila kagabi dahil sa nangyari.

Umalis kaagad si Benjamin sa location at dumiretso ng airport pauwi ng Guam, kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ang sanhi ng pagkamatay ng ama ng Kapuso actor.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay-pugay si Benjamin sa kanyang ama sa pamamagitan ng pagpapalit ng profile picture, na kuha noong bata pa siya at karga-karga siya ng ama.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula mga kasamahan sa trabaho, kaibigan, at kamag-anak para kay Benjamin:

Nakikiramay ang PEP.ph sa mga naulila ni Ginoong Sapida.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN