Jason Abalos admits to once being homophobic: "Ilag talaga ako dati."

IMAGE Noel Orsal

From avoiding them to loving the LGBT, Jason Abalos says, "Malaking bagay sa akin ang pagmamahal nila." He will play a transgender woman in GMA's Asawa Ko, Karibal Ko. 


Isang taon na bilang Kapuso si Jason Abalos.

Simula nang naging bahagi siya ng GMA-7, sunud-sunod na ang kanyang proyekto.

Nakangiting sabi ng aktor, “Okay naman, masaya ako, masaya ako."

Yung paglipat ba niya October last year ay dahil sa kawalan ng trabaho?

Tugon ng 33-year-old actor, “Hindi naman. Gusto ko lang mag-explore."

Halimbawa nga raw ay ang kakaibang role sa latest project niyang Asawa Ko, Karibal Ko.

“First show ko sa GMA rom-com [romantic comedy], na matagal kong hindi ginagawa.

“Itong panibago, babae naman ako... parang ang dami palang puwede gawin.”

Unang teleserye ni Jason bilang Kapuso ay ang The One That Got Away (TOTGA).

ACCEPTANCE

Sa bagong panghapong serye ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko, gagampanan naman niya ang role ng isang trans woman.

Challenging daw ito sa kanya dahil first time niya itong gagawin.

Aminado naman si Jason na noong kanyang kabataan ay takot siya sa mga bakla.

Kuwento niya, “Well, bilang probinsiyano, nanggaling ako sa probinsiya, na sa amin kasi, conservative.

"Sad to say na medyo… hindi pa kasi tayo aware kung paano nagiging buhay nila.

“So ako, ilag talaga ako dati talaga.

"Inamin ko dati na ilag ako dati, nung nagsisimula ako [sa showbiz] pagpunta ng Manila.”

Pero ngayon, naintidihan na daw niya ang kanyang kapwa na may ibang sexual orientation.

Saad niya, “Hanggang, siyempre, nakakasalamuha mo na manager mo, mga tao, mga katrabaho mo—hindi naman pala nakakatakot, di ba?

“So ako, simula lang.

“Ako, lahat ng taong tumutulong sa akin ay nasa LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] community.

“So, malaking bagay sa akin ang pagmamahal nila.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN