Regine Velasquez shuts up basher accusing Ogie Alcasid of using her

IMAGE Courtesy: @reginevalcasid / @ogiealcasid on Instagram

Regine Velasquez to basher of husband Ogie Alcasid: "Hindi po ako ginagamit ng asawa ko at kung ginagamit man nya ako EH ANO NAMAN ANG PAKIALAM MO DUN!!!!!!!"


Ipinagtanggol ni Regine Velasquez ang asawang si Ogie Alcasid laban sa isang basher na galit na galit sa singer-songwriter dahil ito raw ang nagkumbinsi sa Asia’s Songbird na lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Inakusahan din ng netizen si Regine na nagpagamit sa asawa, na diumano'y wala nang career at hurado na lang sa "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime.

Inimpluwensiyahan daw ni Ogie ang misis na singer-actress na lumipat para lahat daw ng magiging shows niya ay kasama si Ogie.

Sabi ng basher, na may handle name na @mibadoora, “Dahil walang career sa ABS at judge lang sa TNT kinaray ang asawa nya sa ABS para lahat ng project ni Regine kasama sya!

“Sobra sobrang pangagamit mo na kay Regine. Lahat ng shows mo kasama si Regine para lang kumita!

“Ngayon, isasama mo sya sa ABS para walang choice ang network kundi bigyan ka ng trabaho!

“KAPAL NG MUKHA ng PANDAK na to!”

Nagkomento ang basher sa Instagram post ni Ogie kahapon, October 9, kung saan parang may reunion sila ng asawa at ilan pang mga veteran singers sa industriya.

Tanging sagot ni Ogie sa basher: “God bless you.”

REGINE, SHARON HIT BACK AT BASHER

Makalipas ang ilang oras, binuweltahan ni Regine ang basher.

Aniya, “Gusto ko lang malaman ano po ba ginawa ng asawa ko sa inyo? Bakit galit na galit kayo sa kanya?

“Hindi po ako ginagamit ng asawa ko at kung ginagamit man nya ako EH ANO NAMAN ANG PAKIALAM MO DUN!!!!!!!”

Sa nasabing thread, nagkomento rin ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Ayon sa Kapamilya singer-actress, mag-asawa sina Regine at Ogie at natural lamang na magtulungan sila.

Sinabi rin ni Sharon sa huli na hayaan na lamang ang bashers na manggalaiti sa kung anuman ang makikita ng mga ito sa kanilang maayos at matiwasay na mabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Megastar, "At mas nakakatawa naman na mag-asawa kayo tapos di kayo nagtutulungan.

"Mas pangit yata kung iba ang kailangan niyo pang gamitin when you love and are there for each other!

"Nakakaloka at nakakasakit ng kalooban talaga ang ibang tao! NAPAKARAMING NAGMAMAHAL SA INYO AT KAY NATE PATI SA PAMILYA NI MICHELLE AT SINA SARA AND LEILA.

"They can talk all they want pero hindi kayo mabubuwag! Besides—BAKIT TAYO ALAM NATIN LAHAT NA ISA NA SA MASTERS SA PAGGAWA NG KANTA SI OGIE BA KASUNOD NA NG MGA YAPAK NILA CANSECO, CRUZ, VALERA, Cayabyab, Ocampo, atbp.?

"INSTITUTION NA SI OGIE AA INDUSTRIYA! Sorry pero tangengot na lang di nakakaalam non!

"Jusko nagpalpitate ako! Napakataas ng RESPETO NAMIN KAY OGIE AT SA YO REGINE!!!

"Mas marami di hamak ang nagmamahal sa inyo! ANO NA DARNA?! Nasa yo pa costume mo? Eh teka papagawa pa ko ng bago.

"Text kita agad tapos sabay tayo sisigaw DARNA! Tignan ko lang! Hahaha! Love you so much!

"Yaan mo sila manggalaiti. Tayo maganda mga buhay at maligaya. Lamna si GOD... masama gumanti para sa mga anak Niyang kasingbuti niyo!"

Hindi na sumagot ang basher sa comments thread.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN