Diego Loyzaga happy for Sunshine Cruz over annulment of marriage with Cesar Montano

IMAGE Hans Fausto for PEP Celeb Homes / Noel Orsal

Diego Loyzaga on annulment of Sunshine Cruz and Cesar Montano's marriage: "I'm happy for my Tita Shine that she's happy."


Masaya si Diego Loyzaga para sa stepmother niyang Sunshine Cruz matapos i-grant ng korte ang annulment papers ng kasal nito kay Cesar Montano.

Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Ngunit kilala rin si Diego na close sa kanyang Tita Shine, palayaw ni Sunshine, na dating asawa ni Cesar.

Nang hingan ng reaksiyon si Diego tungkol sa annulment ng kanyang ama at ni Sunshine, sabi niya, "I'm so happy for Tita Shine, that's all I have to say about that.

"I'm happy for my Tita Shine that she's happy. That's all.

"I love my siblings, I love my Tita Shine."

Noong September 18, 2018 ay ibinaba na ng korte ang annulment papers nina Sunshine at Cesar pagkatapos ng halos apat na taong pagdinig.

Ayon sa 23-year-old Kapamilya actor, nalaman niya ang tungkol dito mula sa kanyang ina na si Teresa.

"You know what, actually, hindi ko alam. Hindi ko alam.

"Ang alam ko lang, si Tita Shine, I heard about it through my mom because friends sila, and Tita Shine threw a get-together sa mga close friends, na hindi ako nakapunta because I had work."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diego pagkatapos ng press conference ng bago niyang teleseryeng Precious Hearts Romances: Los Bastardos kaninang tanghali, October 10, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Isa si Diego sa mga bida ng teleserye kasama sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Josh Colet, at Albie CasiƱo.

DIEGO ADMITS "BUBOG" DURING CHRISTMAS

Bago matanong si Diego tungkol kay Sunshine, napag-usapan ang pagkakasali niya sa Los Bastardos.

Sinabi ng Star Magic actor na sakto ang pagdating ng bago niyang proyekto sa pagpasok ng Ber months.

Dahilan niya, "I don't know if some people get this too, I don't know if I'm the only person na nakakuha ng ganito, but along the Ber months, I get an off feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm not a Christmas kind of guy.

"So I'm happy nga na I have work during the Ber months, so being busy during the Ber months will definitely keep me happy, keep me focused.

"So I'm looking forward to working through the Ber months with these boys, with the cast, with the girls [of the show], level up na ito, e.

"This is a different thing right now."

Isang reporter ang nagtanong kay Diego kung bakit hindi niya masyadong gusto ang Pasko.

Nakangiting balik-tanong ni Diego sa mga reporter, "Do you really want me to get into it, like, do you honestly want to get me into it?"

Paliwanag naman ng aktor, "It's just like a logical thing explained to me by a doctor, it's something that you get when you're younger, it's parang bubog mo sa buhay.

"But I'm not saying that in a negative way, ha. It's just something na alam ko lang pag Ber months..."

Panandaliang tumigil si Diego at sinabing, "You all know my story, I don't have to explain it."

Hindi lingid sa publiko na hindi lumaki si Diego nang kasama ang kanyang ama.

Ito ba ang tinutukoy niyang "bubog?"

Nakangiti niyang sagot, "Let's not put into words. It is what it is."

Nang muli siyang tanungin kung puwedeng ibahagi niya ang sinasabi niyang "bubog," ipinaliwanag ni Diego ang ibig niyang sabihin.

Subalit sa huli ay pinili niyang huwag nang magsalita.

"Ahm... It's the whole... yun na nga, kasi Christmasy vibe, I'd rather be out of the country, pansin niyo, I'm always travelling during the Ber months.

"Kasama ko nanay ko siyempre, pero... huwag na tayo mag-ano," nakangiti niyang pagtatapos.

February 2017 nang maglabas si Diego sa Instagram ng kanyang hinaing tungkol sa ama.

Sa huling panayam sa kanya noong January 2018, sinabi ni Diego na nagkaroon lang sila ng hindi pagkakaunawaan ni Cesar subalit nakapag-usap na sila tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown
Cesar breaks silence on annulment; Sunshine reacts
Cesar breaks silence on annulment; Sunshine reacts
Diego Loyzaga and dad Cesar Montano bury the hatchet
Diego Loyzaga and dad Cesar Montano bury the hatchet
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN