Freddie Aguilar files COC for senator

IMAGE @PatrickRQuintos Twitter

Freddie Aguilar files COC as senator in COMELEC today, October 11.


Pormal nang naghain si Freddie Aguilar ng certificate of candidacy bilang senador sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong Huwebes, October 11. 

Kakandidato ang veteran singer sa ilalim ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Kilala si Freddie bilang isa sa mga showbiz personalities na nangampanya kay President Duterte noong 2016 elections. 

Sa panayam ni ABS-CBN News Online reporter na si Patrick Quintos, inihayag ni Freddie ang adbokasiya niya sa kanyang pagtakbo bilang senador. 

"Priority po natin is yung proteksyon ng entertainment sector...

"At yung mga katutubo na matulungan po natin, mga farmers, lahat po ng nasa laylayan."

Namataan din sa labas ng COMELEC office ang ilang mga tagasuporta ni Freddie na may bitbit na banners. 

Si Freddie ang ikalawang nag-file ng kanyang COC kasunod ng kaalyado niyang si Senator Koko Pimentel. 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN