Film director Samantha Lee walks out of interview when pressed about Mari Jasmine-Sam third party issue

IMAGE Samantha Lee Instagram

Samantha Lee confronts an entertainment columnist who persisted in asking whether she was the reason why Kapamilya actor-singer Sam Milby broke up with TV host/model/blogger Mari Jasmine, who is now Samantha's girlfriend. 


Nag-walkout ang indie film director na si Samantha Lee sa interview ng isang entertainment tabloid reporter sa grand launch ng QCinema International Film Festival 2018 noong October 5, Biyernes, na ginanap sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Quezon City.

Kabilang sa competitive division ng nasabing film festival ang pelikula ni Samantha na Billie and Emma.

May kinalaman sa isyu ng pagiging third party diumano sa breakup ng Kapamilya actor-singer na si Sam Milby at ng TV host/model/blogger na si Mari Jasmine ang dahilan ng pag-alis ni Samantha sa interview.

Sina Mari at si Samantha ang magkarelasyon ngayon.

Bago nangyari ang insidente, pumuwesto si Samantha sa gilid ng venue malapit wide screen matapos ang presscon proper, para panoorin ang promo-plug ng QCinema.

Nilapitan ng tabloid columnist ang direktor at ininterbyu ito.

Lumapit din ang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang ilang minuto para interbyuhin din si Samantha.

Nasa tabi ng speaker ang table ng direktor kaya sinabihan ito ng PEP.ph na lumipat ng puwesto para mas malinaw na maririnig ng bawat isa ang mga tanong at sagot sa interview.

Kinontra ng tabloid reporter ang suhestiyon at sinabing, “Wait, teka lang.”

Nasa kalagitnaan siya ng pagtatanong tungkol sa isyu sa naturang direktor at sa girlfriend nitong si Mari.

Narinig ng PEP.ph na sumagot si Samantha ng “hindi” sa tanong tungkol sa usapin ng pagiging third party umano niya sa hiwalayan nina Mari at Sam.

Setyembre 2017 naghiwalay sina Mari at Sam, at nitong June 2018 naman inamin ni Mari ang relasyon nila ni Samantha kasabay ng pag-out niya bilang bisexual.

Sa ilang tanong pa ng tabloid reporter, mapapansing unti-unting nag-build up ang pagkainis ni Samantha at narinig ng PEP.ph na sinabi nitong “I’ve already answered your question.”

Hindi nagtagal, biglang nag-walkout ang direktor at iniwan ang tabloid reporter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humabol naman ang tabloid reporter, kasunod ang PEP.ph, at pilit na ipinapaliwanag ang kanyang intensiyon sa panayam.

Dito inalam ng PEP.ph sa indie film director kung bakit siya napikon at nag-walkout.

Habang nasa harap pa rin nito ang tabloid reporter, nagsalita ang filmmaker.

“It’s just disrespect. I already spoke about it. Sinabi ko na,” ani Samantha, habang mapapansin ang disappointment sa kanyang mukha.

Patuloy niyang paliwanag, “Kasi, this is about Billie and Emma and if you wanna ask me about my film or interview my actors, go ahead.”

Giit nito, hindi kasama ang kanyang personal life sa nais niyang pag-usapan sa pagdalo niya sa presscon.

Ipinaliwanag ng tabloid reporter na ang intensiyon niya ay makuha ang opinion o side ni Samantha dahil sa paniniwala niya ay nahuhusgahan ang filmmaker.

“Yeah, I know,” mabilis namang pagsang-ayon ni Samantha.

NO OVERLAP, NOT A THIRD PARTY

Ipinagdiinan ni Samantha sa tabloid reporter kung bakit siya napikon sa tanungan ng manunulat.

“Wait,” sabi niya sa writer. “Tinanong mo ako ng question, sinagot ko pero pinu-push mo pa rin yung sinabi ko na hindi totoo.

Sagot naman ng tabloid reporter, “Sorry, hindi ko masyadong marinig, maingay kasi yung...” 

Patuloy ni Samantha, na parang hindi na nito pinakinggan ang paliwanag ng manunulat:

“So, I already said na hindi siya totoo, 'tapos pinu-push mo pa rin siya, when I already said na hindi siya totoo. So, tuloy ka pa rin.

“Siyempre, kung sinabi ko sa iyo na ‘O, magnanakaw ka.’ 'Tapos sabi mo na, ‘Ay, hindi ako magnanakaw,’ 'tapos sinabi ko, ‘Hindi, magnanakaw ka raw, e.’

“'Tapos tinatanong mo over and over again.”

Patuloy naman sa paghingi ng paumanhin ang tabloid reporter at sinasang-ayunan nito ang paliwanag ng kaharap nitong direktor.

Ipinupuntong sabi ni Samantha, “Siyempre, hindi siya respectful and I’m not even supposed to speak about it kasi it's not my issue. It’s not my relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sandaling ito, mapapansin sa boses ni Samantha na kumalma na siya.

Nanindigan siya sa unang sinabi na wala siyang kinalaman sa breakup nina Sam at Mari.

Sabi pa niya, “You know, like, it’s all I’m gonna say, there was no overlap. I’m not a third party.”

"NABASTUSAN LANG AKO."

Tinanong ng PEP.ph si Samantha kung matagal na ba siyang napipikon sa kung anu-anong akusasyon sa kanya, lalo na ang diumano’y pagiging third party niya.

Nakangiti na ito nang sumagot, “No, not really.

"Just when I’ve already spoken about it and when someone asked me five times about it, right after I was so generous with my statement, then of course I’m gonna get annoyed about it.

“Especially, like I said, this isn’t even about my film, it's about my personal life.

"I mean, if you ask me other questions, it’s fine, but..."

Sa hiwalay at solong panayam ng PEP.ph kay Samantha, muling natanong ito sa pagkapikon at pag-walkout niya sa interview.

Paliwanag niya, “May question na tinanong sa akin. Tinanong niya ako kung third party ako. Sabi ko, hindi.

“'Tapos parang inulit-ulit niya ang question. 'Tapos, ako, parang feeling ko sinagot ko na siya na hindi ko siya kailangan, e, inulit-ulit pa niya. 

“For me, pag sinabi ko yung answer ko, hindi, saka hindi siya yung 'Anong title ng pelikula mo? Anong title ng pelikula mo?' Inulit-ulit. Parang may malice kasi yung tanong.  

"So, nabastusan lang ako na bakit kailangan niyang ulit-ulitin.

"Parang nasabi ko na yung kailangan kong sabihin."

Nilinaw ni Samantha na ang akusasyong siya ang dahilan ng hiwalayan ng isang relasyon ang nagpabago ng kanyang mood.

Saad pa niya, "Siyempre naman, kung i-accuse ka ng something like that, and you already said your piece, 'tapos in-accuse ka pa rin nang paulit-ulit medyo, hindi naman tama yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Sam Milby hints at reason of breakup with Mari Jasmine
Sam Milby hints at reason of breakup with Mari Jasmine
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Samantha Lee opens up about relationship with Mari Jasmine
Samantha Lee opens up about relationship with Mari Jasmine


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN