Veteran director Mike Relon Makiling succumbs to colon cancer

IMAGE Courtesy: Mell Navarro on Facebook

Veteran director Mike Relon Makiling directed almost 90 films, from late '70s to early 2000.


Pumanaw na ang batikang direktor na si Mike Relon Makiling dahil sa colon cancer ngayong Huwebes, Oktubre 11.

Siya ay 86.

Inanunsiyo ng entertainment writer at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Mell Navarro ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook ngayong araw.

Ayon sa kanyang post, noong July 2018 ay na-confine sa ospital si Direk Mike at doon nalaman ng pamilya nitong mayroon siyang colon cancer.

Dahil dito, nagkaroon ng ilang kumplikasyon ang kanyang karamdaman ngunit tumanggi itong sumailalim sa NGT (naso-gastric tube) at life support.

Na-coma ang direktor kahapon, October 10, at ilang oras lamang ang lumipas ay binawian na rin ito ng buhay.

Sa halos 30 taong pagiging aktibo niya bilang direktor at screenwriter, mula late '70s hanggang early 2000s, ay nakagawa si Direk Mike ng halos 90 pelikula.

Karamihan ng mga ginawa niyang pelikula ay may temang comedy at action.

Karamihan sa mga ginawa niyang comedy films ay bida ang trio nina Tito, Vic, & Joey: Mr. One-Two-Three (1980), Iskul Bukol (1980), Age Doesn't Matter (1981), Palpak Connection (1981), Mr. One-Two-Three Part 2 (1981), Mag-Toning Muna Tayo (1981), Tartan (1981), Goodah (1984), Give Me Five (1984), Working Boys (1985), Mama Said, Papa Said I Love You (1985), Ma'am May We Go Out? (1985), Doctor, Doctor, We Are Sick (1985, with Vilma Santos), Send in the Clowns (1986), Ready!... Aim!... Fire!... (1987), at Fly Me to the Moon (1988).

Ilan pa sa comedy films na ginawa niya ay Mang Kepweng's Final Conflict (1981, starring Chiquito), Like Father, Like Son (1985, Herbert Bautista), Kumander Gringa (1987, starring Roderick Paulate), Bondying: The Little Big Boy (1989, Jimmy Santos), May Pulis, May Pulis sa Ilalim ng Tulay (1989, Dolphy), Bikining itim (1990, Joey Marquez), Anak ni Janice (1991, Rene Requiestas), at Manolo en Michelle Hapi Together (1994, Ogie Alcasid).

Ilan naman sa action films na idinirek niya ay ang mga sumusunod: Teritoryo Ko Ito (1979, starring Rudy Fernandez), Kanto Boy (1980, Bembol Roco), Siga (1980, Ace Vergel), Tatak Munti (1980, Rudy Fernandez), Ako ang Hari (1981, Phillip Salvador), Panlaban: Dos Por Dos (1981, Lito Lapid), Aguila sa Puting Bato (1983, Lito Lapid)...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa Lang ang Dapat Mabuhay (1986, Bong Revilla and Jinggoy Estrada), Batas Sa Aking Kamay (1987, Fernando Poe Jr.), Afuang (1988, Phillip Salvador), at Sgt. Victor Samson: Akin Ang Batas (1997, Jestoni Alarcon).

Naulila ni Direk Mike ang kanyang walong anak.

Ilalagak ang kanyang mga labi sa kanilang tahanan sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN