Marlo Mortel recalls best advice from late mom who battled breast cancer

IMAGE Mark Atienza / Marlo Mortel Instagram

Actor-singer Marlo Mortel says he and his father are closer after his mom's passing. "Ayun nga yung problem namin nung una, kasi it was never me and my dad, siguro ako and my mom, siya and Daddy. E, ang daddy ko pa naman walang outside life... parang yung mundo nila sa kanilang dalawa lang umiikot."


Isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ina ni Marlo Mortel na si Merlie Pamintuan mula sa sakit na cancer.

Solong anak si Marlo kaya sila na lamang ng ama niya ang magkasamang humaharap sa lungkot at pangungulila.

Lalo pa raw nagiging masakit ang kanilang nadarama habang lumilipas ang mga araw.

Sabi ng Kapamilya singer-actor, “Habang tumatagal, mas nami-miss mo siya, e, mas nakakalungkot.”

Lahat daw tungkol sa kanyang ina ay nami-miss ni Marlo, lalo pa nga't habang lumalaki siya at nasa abroad ang kanyang ama ay sila ng ina ang palaging magkasama.

Aniya, “Whole life ko, siya yung kasama ko. Lahat, lahat about her nami-miss ko.”

Akala raw ni Marlo ay handa na siya kahit papaano sa pagkawala ng kanyang ina dahil matagal na itong may sakit, although ilang linggo lamang itong bedridden.

“Dapat, di ba? Kasi stage four na siya, e.

“And hindi ko napaghandaan, personally ako, kasi hindi ko pa din matanggap na baka anytime siya mawala, so ginagawa namin paraan lahat para magamot siya, maganyan.

“Actually, biglaan din talaga yung pagkawala niya, dahil ang ikinamatay niya, hindi na cancer halos, e.

"Ano na, protein deficiency na, pagka-malnourished na."

Pinakabitan na lamang nila ng tubo na daanan ng pagkain ang kanyang ina, na noon ay hindi na nakakakain habang nagpapa-chemotherapy. 

Kuwento ni Marlo, “So, akala namin umo-okay, kasi biglang nagkakalaman na yung face, ganyan-ganyan.

"Pero parang hindi na kinaya talaga nung katawan niya, may pumutok na blood vessel inside, ayun na yung nag-cause ng internal bleeding."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa launch ng Empire.PH Studios sa Uptowm Mall sa Bonifacio Global City, Taguig noong September 27.

BEST ADVICE FROM HIS MOM

Ang mga ngiti ng kanyang ina ang hindi makakalimutan ni Marlo, pati na rin ang mga payo nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang best advice sa kanya ng ina niya?

“Basta gawin mo lang yung tama. Katulad ng dati, hindi pa ako right age, high school pa lang ako, may girlfriend na ako agad.

“Parang in everything’s perfect time, parang ganun, God’s perfect time. 

"Everything, huwag magmadali, but humanap lang din ng someone na mabait and simple, tanggap ka, mahal ka sa kung ano ka."

Walang karelasyon si Marlo ngayon, naka-focus siya sa kanyang showbiz career lalo na bilang isang singer.

Ang ang realization ni Marlo sa pagkamatay ng kanyang ina?

“Na mahirap talagang mawalan ng mommy, yun talaga.

"Malaking part siya sa lahat talaga ng bagay sa everyday life ko, kaya ang hirap."


Stories We Are Tracking

Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle
Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle
Marlo remains optimistic despite health condition of his mom
Marlo remains optimistic despite health condition of his mom
Marlo Mortel' mother dies after long battle with cancer
Marlo Mortel' mother dies after long battle with cancer
Marlo Mortel recalls last moments with his mother
Marlo Mortel recalls last moments with his mother

COPING WITH HIS DAD

Aminado si Marlo na naapektuhan ang relasyon nilang mag-ama sa pagpanaw ng kanyang ina.

“Ayun nga yung problem namin nung una, kasi it was never me and my dad.

"Siguro ako and my mom, siya and Daddy. 

"E, ang daddy ko pa naman walang outside life."

Mas malapit na sila ngayon ng ama niya.

“Ayun, kahapon nag-mall kami, nanood kami ng sine.

"Although mas mahirap talaga siya, kasi ako kahit papaano busy ako sa work, e, may mga friends ako.

"Siya wala kasi, e, parang yung mundo nila, sa kanilang dalawa lang umiikot."

Ibinili pa raw ni Marlo ng laruang Voltes V ang tatay niya.

“Oo, kasi childhood ano din niya yun… frustration niya, yung magkaroon ng laruan dati nung bata siya.”

Fifty years old pa lang ang ama niya, papayagan ba niya ito kung nanaisin nitong mag-asawang muli?

Ayon kay Marlo, hindi niya alam kung mag-aasawa pa ulit ang kanyang ama.

“Okay lang naman, yun din naman ang usapan namin ni Mommy din, kung saan masaya si Daddy, yun lang.”

Pero matagal pa raw itong mangyayari kung sakali.

“Pero hindi pa, hindi pa…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May negosyong charms at accessories si Marlo, ang Ornstal, at isa sa mga binigyan niya ng ng bracelet ay ang mommy ni Pauline Mendoza na isa ring cancer patient.

May advice si Marlo sa mga tulad niya na ang magulang ay may kanser, tulad ni Pauline at ng My Special Tatay lead star na si Ken Chan.

“Well advice ko lang sa lahat na… magdasal lang.

"Of course, siyempre kailangan maging maingat sa pagpili ng mga doktor, na kailangan mahusay ang doktor.”

Milyon ang nagastos ni Marlo sa pagkakasakit ng kanyang ina.

“Oo naman! Ako, ako, dahil ako nagtatrabaho sa amin. Dami ko nang nagastos talaga.”

Ngayon ay nagsisimula siyang muli na mag-ipon.

“May upcoming album ako under Star Music, then co-produced yung Empire, winu-work out namin yun, may single ako right now na nasa iTunes, Spotify.”

Ang album ni Marlo ay ang Sana’y Ikaw Na Nga. Si Marlo ang nagsulat lahat ng tracks sa album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN