Kapuso star Maine Mendoza, Kapamilya actor Arjo Atayde spotted at Makati resto

Eat Bulaga! co-host Maine Mendoza and ABS-CBN actor Arjo Atayde are spotted by a PEP.ph source enjoying a meal at a restaurant in Makati City, Thursday afternoon, October 11.


Naispatang magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Makati City ang Kapuso star na si Maine Mendoza at ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Namataan ang dalawa sa Nono Restaurant ngayong Huwebes ng hapon, October 11.

Makikita sa mga larawang ipinadala ng source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na masayang nagkukuwentuhan sina Maine at Arjo habang kumakain sa loob ng restaurant.

Sa isang larawan ay makikita si Maine na tumatawa habang may ipinapakita kay Arjo sa kanyang cell phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE PEP Source

May isa ring larawan na mukhang pinipiktyuran ni Maine si Arjo.

Ayon pa sa PEP.ph source, walang ibang kasama ang dalawa na nagpunta sa restaurant.

Nagtagal lamang sila ng ilang minuto at pagkatapos ay umalis na rin.

Nilinaw rin ng PEP.ph source na walang camera o crew na kasama ang dalawa kaya hindi shooting ng pelikula o teleserye ang kanyang nasaksihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama sina Maine at Arjo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles, na pinagbibidahan din nina Vic Sotto at Coco Martin.

Posibleng nasa malapit lang na lugar ang shooting ng ginagawa nilang pelikula at nagkayayaan silang kumain.

Base sa mga larawan, tila naging close na rin sina Maine at Arjo dahil sa pagsasama nila sa pelikula.

Sa pagkakaalam ng PEP.ph ay masaya ang love life ni Arjo sa piling ng kanyang girlfriend na si Sammie Rimando.

Si Maine naman ay wala pang nababalitang boyfriend o karelasyon.


Stories We Are Tracking



ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close