Angel Locsin, Neil Arce mum about rumored breakup

IMAGE Mark Atienza / Courtesy: @neil_arce on Instagram

Are they or aren't they? Angel Locsin and film producer Neil Arce admitted their relationship last February 2018. Now, the buzz going around is they've broken up.


Hiwalay na ba ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce?

Nitong nakaraang mga araw, tinalakay sa isang radio show ang tungkol sa relasyon nina Angel at Neil, kung saan ayon sa usapan ng anchors, mukhang hiwalay na raw ang dalawa.

Lalo naman itong nabigyan ng kulay dahil wala raw si Neil bilang escort ni Angel sa ABS-CBN Ball 2018 noong September 29.

Pero sa isang video na in-upload ng isang netizen sa Twitter, makikitang bago rumampa sa red carpet si Angel sa ball ay kasama niya sa labas ng kuwarto ng hotel ang boyfriend na si Neil.

Hinalikan pa nga ni Neil sa noo si Angel bago tumuloy sa venue ang Kapamilya actress.

Pero isang beteranong showbiz columnist at radio anchor na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nanindigang hiwalay na raw talaga ang dalawa.

Hindi na nga raw sila nagpu-post ng larawang magkasama sa kani-kanilang Instagram account.

Ang huling post nina Angel at Neil na magkasama sila ay noon pang April.

View this post on Instagram

Walk with me #SagadanSaSagada (📸 @teemeetee )

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Pero nitong nakaraang July, magkasama naman ang dalawa sa isang dinner treat para sa ABS-CBN AdProm Head na si Eric John Salut.

Sa Twitter nitong nakaraang October 9 lamang, may ilang netizens ang nagtanong kay Neil tungkol sa intriga.

Ngunit walang sinagot ang film producer sa kanila.

Ang ipinagtataka ng marami, bakit hindi mamatay-matay ang isyung hiwalayan kina Angel at Neil sa kabila ng ilang okasyong nakikita silang magkasama?

Noong Pebrero 2018 inamin ni Angel na sila na nga ni Neil.

Nagpadala na ang PEP.ph ng mensahe kina Angel at Neil upang hingan ng pahayag tungkol sa isyu, ngunit wala pa kaming natatanggap na tugon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN