Lotlot de Leon refuses to reveal real score between Janine Gutierrez, Rayver Cruz

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Lotlot de Leon on rumored relationship of daughter Janine Gutierrez and Rayver Cruz: "Ang importante naman kasi, masaya ang anak mo at saka she's treated well. Kahit naman sinong magulang, yun naman ang hangad, na mahalin yung anak niya at tratuhin nang mabuti na may respeto."


Nagpahayag ng pagsang-ayon si Lotlot de Leon kay Rayver Cruz, ang rumored boyfriend ng anak ng aktres na si Janine Gutierrez.

Aniya, “Ang importante naman kasi, masaya ang anak mo at saka she’s treated well.

“Kahit naman sinong magulang, yun naman ang hangad, na mahalin yung anak niya at tratuhin nang mabuti na may respeto.”

Pero pabirong tumanggi si Lotlot na manggaling sa kanya ang kumpirmasyon ng romantic relationship nina Janine at Rayver nang matanong kung paano siya tratuhin ng aktor ngayong girlfriend na nito ang kanyang anak.

“Ewan ko, sila na ba? Inamin na ba nila?" natatawang bulalas ni Lotlot.

Patuloy niya, “You know kasi, when he comes to the house, when he visits, very much welcome. 

“He’s actually a son to me already. So, I treat him as a family. 

“Mabait, e. Mabait na bata. Wala akong masabi.

“Minsan humihingi ng advice din, if this is okay…

“I appreciate that. He trusts my judgment.

“Sometimes, pag ganun, I will always be there for Rayver.”

Magkasama sina Lotlot at Rayver sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Ito ang unang teleserye ni Rayver bilang Kapuso mula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN.

Ayon kay Lotlot, hindi siya nahirapan sa pakikipagtrabaho si Rayver.

“Oo naman, mabait.

"Ever since we did a show in another channel, sobrang totoy pa siya, parang thirteen pa lang yata siya, kilala ko na siya. 

“Kaya doon talaga kami nag-bond, kasi ang tagal naming ginawa yun, parang working every day almost.”

Unang nagkasama sina Loltlot at Rayver sa dating fantasy series ng ABS-CBN na Spirits (2004-2005).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa grand launch ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Network Center, noong Lunes, October 8.

NOT SURPRISED

Hindi na raw ikinagulat ni Lotlot nang makita ang Instagram post ni Rayver, kung saan kalakip ng birthday message nito para kay Janine ay ay ang larawan nilang magkayakap nang mahigpit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 47-year-old Kapuso actress, “No, Janine is already of age to decide for herself and what’s good for her.

“And kilala mo naman si Janine, matalino naman yung bata, and I trust her naman ever since.”

Bagamat nakikita sa social media ang samahan nina Rayver at Janine, ayon kay Lotlot, pinayuhan niya ang anak na magtira ng privacy sa personal life nito.

Paliwanag niya, “Kasi, parang ako, as much we’re in this industry, very private people also. 

“I think, yun ang naibahagi ko rin kay Janine to also keep her privacy, and to share what she thinks is okay to share with the public, and also keep something for herself.

“Kasi kami, bilang mga artista, minsan hindi na yung para sa sarili kundi for everyone, e. 

“But Janine has already learned to draw a line kahit paano, which is good for her. 

“Mabuti yun para sa isang tao, yung may limitation, e.

“So, she’s as much showbiz nga, she’s also a private person. 

“Okey yun, mainam yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN