Isko Moreno to challenge former ally Erap Estrada for Manila mayor

IMAGE Courtesy: Radyo Pilipinas on Twitter

Isko Moreno resigns from his post as undersecretary of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to take another shot at local elections. 


Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si resigned Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Isko Moreno bilang mayor ng Maynila ngayong Biyernes, October 12.

Sa kanyang press conference, sinabi ni Isko na inihahalintulad niya ang sarili kay David na makikipaglaban kay Goliath.

Ngunit, kailangan daw talaga ng Maynila ng mga batang mamumuno rito.

Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod  at kabisera ng Pilipinas ay si former President Joseph “Erap” Estrada, na naging ka-tandem ni Isko noong una itong tumakbo bilang mayor taong 2014.

Si Mayor Estrada ay 81 taong gulang na, samantalang ang isa pang tatakbong mayor ng Maynila na si Alfredo Lim ay 88 years old.

Si Isko ay 43 years old.

Unang nanilbihan si Isko bilang konsehal sa first district ng Maynila mula 1998 hanggang 2007.

Ang running mate ni Isko para sa election sa 2019 ay ang incumbent vice mayor ng lungsod na si Honey Lacuna.

Sila ay tatakbo sa ilalim ng lokal party na Asenso Manileño.

 IMAGE Courtesy: One News on Facebook


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN