Sharon Cuneta's brother Chet seeks Pasay City mayoral post

IMAGE Courtesy: @MBNazarioDhel on Twitter

Sharon Cuneta throws all-out support to brother Chet Cuneta in his bid to win Pasay City top post. 


Sinamahan ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang nakatatandang kapatid na si Chet Cuneta nang maghain ang huli ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-mayor ng Pasay City ngayong Biyernes, October 12.

Ang namayapa nilang amang si Pablo Cuneta ay naging alkalde ng lungsod sa loob ng apat na dekada.

Tumatakbo si Chet sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na kaalyado ng administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Masasabing suportado ni Duterte ang kapatid ni Sharon dahil palaging nakakasama ng Megastar ang Pangulo nitong mga nakaraang buwan.

Noong Hulyo ay ipinaalam ni Sharon sa publiko ang pagtakbo ng kapatid sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.

Bahagi ng kanyang mensahe, "He will make sure na ang lahat ng kikitain ng Pasay ay mapupunta sa pagpaganda, pagpapaunlad ng Pasay, at sa mga TAO NG PASAY.

"AKO MISMO AY KASAMA NIYANG MAGBABANTAY.

"God bless you all and thanks so much! We love you. Kuya Chet & Sharon."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN