Markus Paterson injured after motorbike accident

IMAGE @markus on Instagram / TV Patrol

ABS-CBN actor-singer Markus Paterson suffered a suspected fracture after a motorcycle accident early Friday morning, October 12. According to witnesses, Markus slammed into a concrete barrier along Roxas Blvd.

According to witness, Markus, who was riding his motorcycle, slammed into a concrete barrier, Friday, October 12.


Naaksidente ang singer-actor na si Markus Paterson matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang concrete barrier sa may Roxas Boulevard, Manila, madaling-araw ng Biyernes, October 12.

Sa ulat ng TV Patrol nito ring Biyernes, inihayag ng miyembro ng emergency unit na sumaklolo sa 18-anyos na binata na "suspected fracture" ang tinamo ni Markus dahil nagkaroon ito ng deformity sa kanyang kanang paa.

Ikinuwento ng mga saksi na nakita nilang mabilis diumano ang pagpapatakbo ni Markus ng kanyang motorsiklo at wala itong ilaw kaya’t sumalpok sa concrete barrier.

Ayon pa sa mga witness, nakita nilang bumaliktad ang binata at tumalsik ang helmet.

Sa maikling panayam kay Markus habang nasa stretcher, sinabi nitong ninakawan pa siya ng gamit nang mangyari ang aksidente kaya’t hindi siya agad nakatawag sa kanyang mga kaibigan o pamilya para humingi ng tulong.

Isinugod naman sa ospital si Markus pagdating ng emergency unit.

Si Markus ay nakilala nang maging finalist sa Pinoy Boyband Superstar, ang reality-based singing competition sa ABS-CBN noong 2016.

Kasama rin siya sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi na ipinalabas nito lamang nakaraang Agosto.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN