Rita Daniela admits being constant victim of online bullying

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Rita Daniela on being a constant victim of online bullying, especially now that she plays a despicable role in GMA-7's My Special Tatay: "Ibig sabihin pinapanood nila ang teleserye namin at tinututukan nila si Aubrey, di ba? Yun naman talaga ang purpose ng role ko, e—yung manggulo at asarin ang mga taong manonood. Effective naman, kasi ang daming reaction."

 


Inaamin ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na suki na raw siya sa online bullying.

Simula raw noong naging aktibo siya sa social media, mas marami raw siyang natatanggap na pintas kesa sa papuri mula sa netizens.

Pakiramdam ni Rita, mas nadagdagan pa raw ngayon ang mga bashers niya dahil sa role niya bilang isang pokpok sa GMA-7 teleserye na My Special Tatay.

Parati raw nakakatanggap si Rita ng mga messages na sana ay mamatay na siya sa teleserye dahil panggulo lang daw siya roon.

Pero imbes daw na mapikon at magalit si Rita, ikinatutuwa pa niya ang reaction ng netizens sa role niya sa My Special Tatay.

"Ibig sabihin pinapanood nila ang teleserye namin at tinututukan nila si Aubrey, di ba?

"Yun naman talaga ang purpose ng role ko, e—yung manggulo at asarin ang mga taong manonood.

"Effective naman, kasi ang daming reaction.

"Pero sana isipin nila na role lang iyon.

“Ang pokpok ay si Aubrey at hindi si Rita Daniela," pahayag pa ni Rita sa programang Sarap Diva.

BODY-SHAMING VICTIM

Isa pang laging pintas kay Rita ay ang kanyang pisikal na kaanyuhan.

Naba-body shame siya dahil mula sa pagiging petite ay papunta na raw siya sa plus-size figure.

Aminado si Rita na malaki ang nadagdag sa timbang niya nitong mga nakaraang buwan.

Ang importante raw ay happy si Rita sa katawan niya at hindi niya dini-deprive ang sarili sa mga gusto niyang kainin.

"Kasi from before, nagkaroon ako ng time na naging batak ako.

“As in, OA! Naadik ako sa gym and all.

"Kaso dumating ang time na nawala ang pagkaadik ko sa gym at nag-enjoy akong kumain.

"Kaya heto ang nangyari.

“Pero enjoy ako sa buhay. Masarap kumain, e.

"So ngayon, from small, I really have to go out to buy large clothes," pag-amin niya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payat man o tumaba, hindi naman daw nagbabago ang personality niya.

Lahad niya, "Na-feel ko yung change ng trato sa akin ng ibang tao.

"Kung paano nila ako tingnan na parang, 'Anong nangyari sa 'yo?'

"So sabi ko, hindi porke't ganito yung naging hitsura ko...

“May nadagdag sa akin or nabawas, I'm still the same.

"'Yung mga tao lang sa paligid ko ang nagbago ng pagtingin sa akin."

AT PEACE IN HER OWN WORLD

Sa isang mensahe ni Rita sa Instagram noong nakaraang October 3, pinost niya ang isang quote mula sa British writer at lay theologian na si C.S. Lewis.

Base sa kanyang post, gusto lang sabihin ni Rita na meron siyang sariling mundo kunsaan doon siya masaya, walang namimintas at tanggap niya kung ano talaga siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN