Laura Lehmann focuses on showbiz career after relinquishing Miss World PH crown

IMAGE Noel Orsal

After relinquishing her Miss World Philippines 2017 crown, Laura Lehmann says she's ready to focus on her showbiz career: "I'm really excited to start a new career. Now that it's over, medyo gumaan na ang workload natin at dito naman ako sa new career ko in showbiz naka-focus. I hope that I make an impression kasi I love hosting and I will eventually like to act din sa TV dramas."


Naging emosyunal ang pagpasa ni Miss World Philippines (MWP) 2017 Laura Lehmann ng kanyang korona sa bagong winner ng Miss World Philippines 2018 na si Katarina Rodriguez.

Inamin ni Laura na hindi naging madali sa kanya na magpaalam dahil tinupad ng MWP ang kanyang dream na maging isang beauty queen at ang ma-represent ang Pilipinas sa Miss World pageant sa Sanya, China noong nakaraang taon.

Heto ang pinost ni Laura sa Instagram noong nakaraang October 9:

View this post on Instagram

#FinalWalk When I was a little girl, I never dreamt of becoming a beauty queen. Not because I didn’t want to, but because I never believed I could. ????‍???????? And so, standing here tonight, I hope I remind you never to limit yourself, because one day, your crazy dreams (like mine ????) just might come true. :) The ones that you’re afraid even to say out loud, because trust me, impossible only depends on YOU. ?? Trust me when I say, that I used to think what you think too. And trust me when I say, “girl... just go be you”. ???? ——— Maraming, maraming salamat sa mahal kong Pilipinas. ???????? Thank you, @MissWorld, for making my fairytale come true... I feel so lucky to have just been a part. :) My name is Laura Lehmann, and I am your Miss World Philippines 2017. :) ????????‍???? . . . Final Gown: @markbumgarner Earrings: @richmondvelayo Styling: @sukisalvador Makeup: @maui_manalo Hair: @iammjrone Photo: @fabulousflavius

A post shared by LAURA LEHMANN (@iamlauralehmann) on

FULL FOCUS ON SHOWBIZ CAREER

Dahil tapos na ang reign ni Laura, handa na siyang pasukin ang ibang career.

Pumirma ng management contract si Laura with GMA Artist Center at excited na raw itong simulan ang mga projects na naka-lineup sa kanya.

Kasama raw dito ang pag-host niya sa mga events ng Kapuso network at ang paggawa ng teleserye.

"I'm really excited to start a new career.

"It was a busy year for me last year dahil sa mga events na ginawa namin for MWP.

"Actually, mami-miss ko ang mga iyon because that's the time na nagkakasama kami nila Winwyn [Marquez], Cynthia [Thomalla] and Sophia [Senoron].

"Now that it's over, medyo gumaan na ang workload natin at dito naman ako sa new career ko in showbiz naka-focus.

"I hope that I make an impression kasi I love hosting and I will eventually like to act din sa TV dramas," pahayag pa ni Laura nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng GMA teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko kunsaan siya ang naging moderator.

May two movies na raw na gagawin si Laura sa ilalim ng Regal Entertainment.

Sa unang pelikula ay kasama niya si Janine Gutierrez at si Lovi Poe naman ang co-star niya sa pangalawa.

STILL HONING HER ACTING CHOPS

Nakapag-acting workshop na rin daw si Laura at aminado siyang hindi pa siya satisfied sa kanyang naipakitang acting talent sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I need to let things loose. Put my hair down.

"Ang comments nila sa akin sa workshop is masyado pa akong naghu-hold back.

''Parang nandoon pa rin daw kasi ang pagiging beauty queen ko.

"Gusto nila na kung papasukin ko ang acting, I have to give it my all.

"I still have time to work on that and hopefully, magawa ko naman," diin pa niya.

Looking forward din daw si Laura na makagawa siya ng teleserye with GMA-7.

''I'm open to anything right now. I want to explore my options.

"Gusto ko rin ma-experience yung nasa set ako ng isang teleserye and to work with actors tulad nang ginagawa ni Megan [Young]," ngiti pa niya.

GIRLS' TRIP

Bago raw maging super-busy si Laura sa showbiz, magkakaroon daw muna sila ng girls' trip nila Winwyn, Cynthia at Sophia sa Bohol.

"Para ko na kasi silang sisters talaga.

''We've been together the whole time last year, kaya nakakalungkot na we have to part ways na and to do our own things.

"Kaya we need to have a girls trip bago kami maging busy with other things.

"We chose Bohol kasi we haven't been there at maganda ang mga beaches daw soon. Plus sarado pa kasi ang Boracay!" tawa pa ni Laura.

NOT YET READY TO SETTLE DOWN

At age 25, wala pa raw sa plano ni Laura ang magpakasal sa kanyang boyfriend of four years na si Von Pessumal.

"Marami pa kasi akong gustong gawin at this age.

''I want to travel more and do things na hindi ko pa nagagawa.

"But of course, by the age of 30, I hope to have na my own family.

"For now, trabaho and career ang focus natin," pagtatapos ni Laura.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN