Jade Lopez shares prenup photos taken in Japan

IMAGE @missjadelopez on Instagram

Kapuso actress Jade Lopez took to Instagram last October 9 to share some of her and fiancé Rocky Siccion's prenup photos taken in Japan. The couple will tie the knot on October 22 at the Manila Cathedral.


Nag-share ang Kapuso actress at StarStruck alumna na si Jade Lopez ng ilang prenup photos sa kanyang Instagram at Facebook account.

Sa October 22 na ang wedding ni Jade sa kanyang non-showbiz fiancé na si Rocky Siccion.

Gaganapin ito sa Manila Cathedral.

Sa magkasunod na post ni Jade sa IG noong nakaraang October 4 and 5, nilagyan niya ng madamdaming caption ang prenup photos nila na kinunan pa sa Tokyo, Japan.

   

JAPAN AS HAPPY PLACE

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jade via Facebook Messenger, kinuwento nito kung bakit sa bansang Japan nila naisipan ni Rocky na mag-shoot ng kanilang prenup photos and video.

"First of all, sa Japan nag-propose sa akin si Rocky noong January 31, 2017, kaya sobrang memorable sa amin iyon.

"Kaya we consider Japan as our favorite country. Our happy place kumbaga.

"Wala kaming specific na concept in mind noong mag-shoot kami for our prenup photos and video sa Tokyo.

"Noong mag-celebrate kami ng first year ng engagement namin, sa Japan din kami nag-shoot.

"Kaya anything goes. Ang importante, kasama ang Japan sa wedding namin. Kasama siya sa pinaghandaan namin ni Rocky," pahayag ni Jade.

Ang naging photographer nila ay si Ken Suzuki.

Pero meron pa raw silang isa pang prenup video na kinunan ng kanilang official wedding photographer na Colove Studios at videographer na Bow and Arrow Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN