Rosanna Roces on sex life with lesbian partner: "Kuntentong-kuntento ako."

IMAGE Noel Orsal

Former sexy star Rosanna Roces on sex life with lesbian partner Blessy Arias: "Ngayong nandito ako sa ganitong relasyon, wala akong kabalak-balak na tumikim ng lalake. Kuntentung-kuntento ako."

 


Nagniningning sa kasiyahan ang mga mata ni Rosanna Roces nang kumustahin namin ang kanyang buhay may-asawa.

“Masarap, masaya!” nakangiting sagot ng 46-year-old actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rossana sa nakaraang grand media conference ng bagong seryeng lalabas sa Kapamilya Network, ang Los Bastardos, na ginanap noong October 10, Wednesday sa Dolphy Theater.

Kabilang si Osang sa main cast ng serye na pagbibidahan nina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Albie Casiño, Joshua Colet at Ronaldo Valdez.

Gagampanan ni Osang ang role bilang adoptive mother ni Jake.

Ikinasal si Osang noong December 17 sa kanyang partner na si Blessy Arias, isang lesbian.

“Tatlong taon na yata kaming kasal,” pag-alala niya sa tagal ng pagsasama nilang mag-asawa.

Ipinaliwanag ni Osang kung bakit kuntento siya sa pagsasama nila ni Blessie.

Aniya, “Siya naman talaga ang ginusto ko nuung-noon pa.

“Namali lang ako ng ano... siyempre, di ba?

“Iniwan niya kasi ako nung nabuntis ako. Pero kami talaga.”

ACCEPTED BY FAMILY

Sa paniniwala ni Osang, unti-unti nang natatanggap ng society ang ganitong relasyon gaya ng sa kanya.

Komento niya, “Hindi naman kasi dapat laitin or alam mo yun...

“Yung nanay ko nga... nanay ko na 'to, ha?

“Paalam ako bago ako ikasal. Sabi ko, ‘Nay, si Blessie...’

“Siyempre, kilala niya. ‘Papakasal kami.’

“'Kelan?’ sabi ng nanay ko.

“Sagot ko, ‘December.’

“'Bakit December pa, baka magbago pa isip niyan?'”

“'Nay, pag hiningi ang kamay ko, mag-no ka naman kahit konti, para magkaroon ako ng value, ha?’ sabi ko sa nanay ko.

“Sabi niya, ‘Hay naku, kung kelan ka tumanda, saka pa ba tayo magpapakipot? Go!'”

Napatunayan ni Osang na walang magiging problema sa pagpapakasal niya sa tomboy nang dumalo sa kasal ang mga mahal niya sa buhay.

Pagpapatunay pa ng former sexy star, “Nung kasal namin, nandun ang nanay, tuwang-tuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING THE FIRE BURNING

Gaya ng isang normal na mag-asawa, hindi raw nagbago ang init ng kanilang pagsasama ni Blessie.

Saad niya, “Alam mo, nung may asawa ako dati na lalake, di ba, alam mong maharot ako, nagkaka-affair ako?

“Ngayong nandito ako sa ganitong relasyon, wala akong kabalak-balak na tumikim ng lalake.

“Kuntentung-kuntento ako.”

Kinikilig pang dugtong ni Osang sa usapin ng kanilang lambingan, “Halos araw-araw, oo!

“Noong araw ganun na kami, ganon pa rin naman ngayon.

“Magnu-no lang ako pag meron ako,” sabay halakhak niya.

Diretsahang sinabi ni Osang na mas na-appreciate niya ang lambingan nila ng kanyang asawa.

Paliwanag pa niya, “Sa lalake kasi paulit-ulit, e.

“Feeling mo uma-akting sila, ginagalingan para lang ma-impress ka, di ba?”

Sa kabila opinyon ng marami na kapag ang babae ay pumatol sa isang lesbian, magiging tomboy na rin ito, nanindigan si Osang na isa pa rin siyang babae.

”Oo naman,” walang alinlangang sabi ni Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN