Rosanna Roces admits past bouts with depression

IMAGE Noel Orsal

Rosanna Roces admits to having past bouts with depression: "Ang tagal. Hindi ko na nga alam na depression na pala yun."


Sa grand media launch ng bagong seryeng Los Bastardos ng Kapamilya network, ipinaliwanag ni Rosanna Roces ang pinagdaanan niyang depression kaya ginusto niyang huwag na munang tumanggap ng sunud-sunod na acting projects noong mga nakaraang taon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Osang matapos ang presscon proper ng nasabing serye noong nakaraang Miyerkules, October 10 sa Dolphy Theater, sinabi nitong hindi niya alam na ang mood swings ay senyales na pala ng depresyon.

Lahad niya, “Ang tagal. Hindi ko na nga alam na depression na pala yun.

“Pero kasi dahil bata ka pa, bobo ka.

“Yung mapusok ka lang pero lagi kang galit. Hindi ka na nakakapag-isip nang tama.

“Pero since nagkaka-edad ka, nagkaka-ano [nakakapag-isip-isip] ka na, ‘Ay, mali pala yung ginawa ko dati.'

“Noon, yun ang tama sa 'yo kasi nga galit ka lang, lahat kaaway mo.

”Pero pag nagkakaedad ka, nagme-mellow ka na.

“Sa ayaw at sa gusto mo, kahit pa nakakasalubong mo na yung kinagagalitan mong tao, wala na, maaawa ka na lang sa kanya.

“Pero wala na, wala yung galit.”

MISSING HER APO

Ayon kay Osang, ang apo niyang si Gab ang nakapagpabago ng kanyang ugali.

Sabi pa niya, “Yung pagkawala ni Gab... O, ngayon, kita mo, kasundo ko si Jolo.”

Si Jose Gabriel Revilla o Gab ay apo ni Osang sa anak niyang si Grace Adriano na dating kasintahan ni Jolo Revilla na anak naman ni Sen. Bong Revilla.

Si Gab ay isinilang noong January 13, 2005.

Isa rin daw sa dahilan ng paglambot ng puso niya kay Sen. Bong ay ang nasabing apo niya.

Sabi pa ni Osang, “Wala na. Siguro nabigla lang ako dahil nawala sa akin yung apo ko.

“Pero ngayon, pag kinukuha naman siya ni Grace, sa akin dumidiretso yun.

“Saka pati paa ko hinahalikan ng batang yun.

“Kasi pag nakita mo namang maayos yung pagpapalaki sa apo mo, nag-aaral nang mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga lang, nalulong sa basketball. E, okey na sa akin yun.

“Yun lang naman ang hiningi ko kay Bong na paaralin mo sa magandang paaralan.”

Nagalit at nakapagbitiw si Osang ng masasakit na salita laban sa mga Revilla nang kunin ni Jolo ang anak niya kay Grace at kupkupin sa kanyang poder.

Ngayon, tuluyang nalusaw na raw ang hinampo ni Osang, at maging ang napapabalitang paglaya ni Sen. Bong sa kulungan nito sa Camp Crame ay pabor na rin para sa '90s sexy star.

“Dapat lang naman nang lumabas kasi nagdusa na rin naman na yung tao nang ilang taon.

“Si Jinggoy [Sen. Jinggoy Estrada] nga nakalabas na. It’s about time na makalabas na rin si Bong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN